CHAPTER 17 THIRD PERSON POV Tahimik ang buong penthouse. Walang kahit anong tunog maliban sa mahihinang kaluskos ng gabi at ang mahinang patak ng ulan sa labas. Pero sa loob ng isang kwarto, isang babae ang hindi mapakali. Si Yuyieh. Nakatingin siya sa kisame habang nakahiga sa malambot na kama. Ilang beses na siyang nagpalit ng posisyon, pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. "Ugh…" Napabuntong-hininga siya at itinakip ang unan sa mukha. Hindi siya sanay sa ganitong setup. Hindi siya sanay sa ganitong luho—sa isang kwartong kasing laki ng buong apartment na tinirhan niya dati, sa malambot na kama na parang niyayakap siya, at higit sa lahat, sa isang lalaking singlamig ng yelo na kasama niya sa iisang bubong. Asher Aguilar. Napapikit siya nang maalala ang nangyari kanina. Ang

