CHAPTER 23 Third Person POV Sa loob ng isang tahimik na hallway, maririnig ang mahinang tunog ng sapatos ni Asher Aguilar habang naglalakad siya papunta sa isang partikular na silid. Ang mga mata niya, gaya ng dati, malamig at walang kahit anong emosyon. Para bang kahit anong mangyari, hindi niya kayang ipakita ang tunay niyang nararamdaman. Nasa isang sulok si Yuyieh, nakatayo malapit sa malaking bintana. Ang liwanag ng buwan ay bumabagsak sa kanyang mukha, binibigyang-diin ang mahinhing ekspresyon niya. Alam niyang naroon si Asher, ramdam niya ang presensya nito, pero hindi niya alam kung paano siya magre-react. "Asher," mahinang sambit ni Yuyieh, pero hindi siya nito nilingon. Hindi sumagot si Asher. Tumayo lang siya sa isang tabi, nakapamulsa at tila walang pakialam sa paligid. Hi

