CHAPTER 11 ASHER POV Ng makalabas si Ate Enna, parang may kung anong presensya na bumangon sa paligid. Kakaibang bigat na nararamdaman ko, pero hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung may nangyayaring hindi ko nakikita, pero alam ko na hindi magiging magaan ang araw na ‘to. Nang bumukas ang pinto, hindi si Ate Enna ang pumasok. Si Lolo Ethan. Nanatili akong nakatayo sa tapat ng hagdan, hindi alam kung ano ang dapat gawin. Si Lolo Ethan, ang matandang matibay at puno ng mga utos. Nang makita ko siya, hindi ko maiwasang mag-isip kung anong mga plano niya sa akin at sa pamilya namin. Tumayo siya nang tuwid, parang hindi matitinag, at agad nagsalita. "Apo," simula ni Lolo habang ang tingin niya sa akin ay parang may hinahanap. "Kailangan kong makausap ka tungkol sa ilang bagay." Dumiret

