Nanghihinang naglakad ako patungo sa building namin habang hawak ang activities ko na hindi man lang natuyo kahit kaunti. Ano pang ipapasa ko ngayon? "Here." Napatingin ako sa kamay na nasa aking harapan at nag-aabot ng panyo na kulay gray. Dahil malapit sya sa akin, naramdaman ko ang kanyang pagsandal sa pader. Nakatayo lamang ito roon sa aking likuran habang hinahayaan akong umiyak. Naramdaman ko ang unti-unting pagdulas ng portfolio ko sa aking kamay. Bago ko pa man ito mahawakan ng mahigpit ay nakuha nya na ito. Nakabukas na ito nang umikot ako paharap sa kanya. Kitang-kita ko kung paano nagsalubong ang mga kilay nya nang makita ang basang-basa kong activity. Agad kong pinunasan ang mga luha ko dahil ayokong makita nya akong umiiyak. Babawiin ko na sana ang portfolio sa kanya nan

