Dumaan ang isang linggo na maayos ang naging takbo ng buhay ko. Nanatiling si Alexia at Mimi ang madalas kong kasama sa nagdaang araw. Masasabi kong matalino ang dalawa dahil halos lahat ata ng sagot sa tanong ay alam nila. Ang problema lang? Sobrang daldal talaga nila. Ako ang pinakatahimik sa aming tatlo. Ako ang madalas sumasaway sa kanila dahil ako ang ate sa barkada. 18 years old si Alexia at si Mimi naman ay 19 na. Habang ako naman ay 21 na. "Hey kuya! That's my seat!" Pag mamaktol ni Alexia paano'y may nakaupo na sa pwesto namin nang makabalik kami mula sa lunch. "Umupo ka na dito hoy." Saway ni Mimi sa kaibigan na hanggang ngayon ay hindi pa rin maipinta ang mukha. Naupo ako sa usual na pwesto ko. Sa tabi ng lalaki na iyon. Hindi namin makita ang itsura nya dahil nakayuko ito

