Trist

1819 Words
             Kinabukasan ay tanghali na akong nagising, may lakad dapat kami ng mga katrabaho ko ngayon pero nagtext na ko na hindi ako makakasama, gusto ko na lang mahiga maghapon, parang ang bigat kasi ng katawan ko. Pagtingin ko sa salamin ay halata ang malaking eyebag at namumugtong mga mata, nahirapan ako matulog kagabi dahil naaalala ko na naman ang eksenang nagdagdag ng sugat sa puso ko.              Seryoso naman ako ah, pero bakit palagi pa rin niloloko. Pagmamaktol ko.              Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko ng may marinig akong tumatawag sa’kin mula sa labas.              “Tita! Tita!” agad akong naupo sa kama at mabilis na hinawi ang kung anu mang namumuo sa mga mata ko, hindi kailangang makita ng mga pamangkin ko ang ganitong itsura dahil hindi sila titigil hangga’t di ko nasasagot ang mga tanong nila.              Kumatok sila sa pinto bago ito pihitin ng marahan, sumilip sila ng kaunti “Tita gising kana?” tanong pa nila.              “Oo kagigising lang, lika nga kayo, nagsikain na ba kayo?” tanong ko sakanila, nagtakbuhan pa sila palapit at nagpaunahan yumakap sa’kin.              Ganito ang tagpo namin tuwing weekend, pare-pareho kasi kaming mga walang pasok, kaya pupunta sila ng maaga sa kwarto at mag-aaya na maglaro sa labas.              Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay siguro mas kailangan ko ito kaysa ang humiga maghapon sa kama at paulit ulit na isipin ang mga bagay na tapos na. Inaya ko na silang mauna at nag-ayos lang muna ko sandali.              Pagbaba ko ay naabutan ko si Lola na nagdidilig ng mga halaman niya, nasa maliit na compound lang kami, tatlong bahay kung saan pamilya ng dalawang Tita ko at kami na kasama ang Lolo at Lola ko na silang nagpalaki sa akin.              Pinapanood ko lang ang mga batang masaya at maingay na naglalaro sa labas, paminsan ay may naaasar o may nadadapa dahil sa kakulitan at habulan, iiyak lang sandali tapos okay na ulit balik na sa paglalaro. Ang sarap maging bata nuh. Pero tapos na ko dun kailangan maging matapang ako na harapin ang realidad.              Kapag napagod sa kakalaro ay isa isa silang lalapit sa’kin, oras ko naman para pasayahin sila, magtuturo na mga yan ng gusto nilang pagkain dahil gutom na daw sila at kanino manggagaling ang pambili syempre sa bulsa ni Tita. Tita goals...              Buong weekend ay nasa bahay lang ako, yung bestfriend ko ayun may sideline daw kaya hindi mahagilap. Hapon ng linggoo ng panuorin ko ang basketball game ng favorite team ko sa telebisyon, mahilig, sinusubaybayan ko ang mga laro nila, ganun na kasi ang nakalakihan kong ginagawa nila Tito at Tita mula nung bata pa ko *****              “Mam Seiri, pwede po magtanong?” nagtitipa ako sa computer ng lapitan ako ng workmate ko mula sa sales department. May mga inabot itong papel at tinanong. Nang masagot ko ay nanatili lang itong nakatayo sa gilid ko.              “May itatanong pa kayo Ma’am?” Inangat ko ang mukha ko para tignan siya, hindi ko maintindihan pero parang may pag aalangan sa kanya, inilabas niya ang kanyang phone at may mga pinindot duon.              “Ah Mam, may… itatanong lang po ako ulit, napanuod ninyu na po ba yung video ng nangyaring g**o sa may labas ng coffee shop na napuntahan na natin minsan, yung sa west po?” nag aalangan pa ito kung sasabihin.              “Kailan? Andun lang ako last friday ah kasama ko bestfriend ko pero sandali lang kami.” sagot ko, gusto ko nang kalimutan ang nangyari ng araw na yun, tapos eto si Mam pinaalala ulit.              “Friday po. Eto po yung video.” Inilapit niya sa’kin ang phone niya at plinay ang isang video, sa may coffee shop nga ito, sa may labasan. Nang titigan ko pang mabuti ay maaaninag ang dalawang lalaki na parang may diskusyon na nangyayari, nakatalikod sa view na iyon ang isang lalaki, nagkatulakan at muntik ko pang mabitawan ang phone niya ng bigla na lang sinuntok nito ang kaharap na lalaki dahilan para matumba ito, may pahabol pa ata pero nagkagulo na dahil nagsisigaw na at umaawat ang babaeng kasama ng nasapak at marami na rin ang nakiusyoso. Nagkumpulan na rin ang mga tao at duon naputol ang video.              “Anong oras ito?”              “Bandang six daw po.” Teka… pilit kong binalikan ang oras na iyon, habang naglalakad kami papunta sa parking ni Trist ay naaninag ko ang kumpulan ng tao sa may labasan pero dahil wala ako sa tamang pag-iisip nuon ay hindi ko na ito pinansin pa. Pero bakit ipapakita sa’kin to ni Mam, wala naman ako kinalaman dito.              “Hindi ninyu po ba nakikilala yung lalaking sumuntok sa video? Para po kasing siya yung---bestfriend ninyu. At yung sinuntok po---” Agad kong binalikan ang video at tinutok ang tingin sa lalaking sumuntok, matangkad, nakapolo, gray polo. Teka Trist ikaw ba to? Naalala ko nung magsorry ako sa kanya pauwi kami, gusot nga ang polo niya nun na bihira kong mapansin lalo’t malinis at maayos ito kung manumit. Nang magkagulo na ay natuon ang tingin ko sa babaeng umaawat, may hawak na bouquet of red roses. Hindi kaya…              Hindi na ako mapakali mula ng oras na yun, tinext ko si Trist kung nasaan siya at kailangan namin mag-usap pag-uwi ko. Binalikan ko rin si Mam at tinanong saan pa makikita ang video. Nagtrending pala ito sa f*******: mula nung friday, hindi ko alam, hindi pa kasi ulit ako nagbubukas ng sss mula nun. *****              “Hi Best!” nakangiting bati nito sa’kin, sinabi ko na sa labas na ng bahay nila niya ko antayin. Ayokong makita ng mga magulang niya ang pag-uusapan namin.              “Oh bat nakasimangot ka? Meron ka ba?” nang-aasar pa talaga, parang walang bidyong nagtrending.              ”Anu ‘to?” Iniharap ko sa kanya ang phone at plinay ang video.              “Ikaw ba yan? Bakit mu ginawa yun? Alam mu bang pinag-uusapan ka na sa social media at may kung anu-anong bagay pa ang sinasabi sayo.” Hindi naman dapat siya madamay dito.              Ngumisi lang ito. “Ibinawi lang kita, kulang pa nga yun kung tutuusin.” sagot niya ng hindi tumitingin sa akin.              “Ano?!”              “Hindi mu man lang pinatikim kahit isang sampal ang kumag na yun, kaya ako na ang bumawi sayo, sinapak ko sa mukha pasalamat siya may babae siyang kasama at may mga umawat agad. Hindi naman pala ganun kakapal ang mukha ng kumag.” paliwanag nito, kahit pa malumanay ang pagkakasabi niya ay ramdam ko ang galit sa bawat salitang binigkas. Nakita niya bang lahat? Andun na ba siya bago ko pa makita?              Para namang naintindihan niya ang tanong sa isip ko, “Nagkasabay kami sa coffee shop, ang saya ng kumag parang hindi manloloko. Ang sweet may pa flowers pa kahit ilang araw nang hindi nagpaparamdam sa’yo. Kaya nagpatakeout na lang ako at aabangan sana ang pagdating mu, pero wala maaga ka lagi sa oras eh, naabutan mu tuloy.” Ngayon naiintindihan ko na, kaya wala siyang reaksyon sa kotse, kaya wala siyang imik at kaya imbes na sumbatan ako ay pinili niya na lang manahimik at humanap ng paraan para ituon sa ibang bagay ang atensyon ko, kahit pa alam niyang sa kanya ko maibubunton ang galit ko.              Napalunok ako, napakagat sa labi, nang maramdaman ko na giniyak niya ko palapit sa’kanya, hindi ko na napigilan ang nag-uunahang luha na bumagsak sa pisngi ko.              “Akala ko seryoso na. Akala ko nahanap ko na. Akala ko siya na.” panay ang hikbi ko habang nakasandal sa dibdib niya.              “Huwag kana umiyak. Hindi siya yung tamang lalaki para sayo.”              “Nadamay kapa tuloy. Sorry talaga hindi ako nakinig nung una palang...”              “Tahan na, umiiyak ka na naman alam mu namang---” Bumitaw ako at kinusot kusot ang mata na namumugto na naman.              “Subukan mung ituloy, ikaw makakatikim ng sampal dyan...” pagbabanta ko at napabuga ito, ginulo g**o ang buhok ko na agad kong iniaalis.              “Biro lang, tahan na, masakit ka kaya sumampal sana binigyan mu talaga yung kumag na yun.”              “Nanginginig kasi ang mga kamay ko, pati mga tuhod ko. Hindi na ko nakapagsalita, saka ayokong magkagulo kaya hinayaan ko na lang at pinagmasdan ang paglayo niya...”               “Ayos na yun, mas masakit yung suntok ko, dalawa yun para sayo yung isa at yung isa bonus.” tumikhim lang ito at inaya na ko na pumasok ng bahay nila at duon na magdinner.              Matapos makapagdinner ay nalaman ko na napanuod na rin pala ng pamilya niya ang video kung saan bida ang anak nila. Napayuko ako, guilty feeling dahil ako ang rason bakit nagawa niya yun. Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng palad sa balikat ko at nang lingunin ko ay ang mama niya, ngumiti ito sa akin at umiling-iling. Nang iikot ko ang tingin sa kanila ay kapareho din ang ekspresyon ng mukha ng papa niya, mga kapatid at maging ang bestfriend ko. Para bang gustong sabihin sa’kin na hindi ko kailangan maguilty at naiintindihan nila bakit nangyari yun. Siguro ay naipaliwanag na rin ni Trist sa kanila ang lahat. Nagtatawanan at nagkakantyawan pa sila, inaasar ang kuya nila na game na game naman sagutin ang pang-aasar nila. Napangiti ako sa tagpong yun, larawan ng isang masaya at kumpletong pamilya, nakakainggit.              “Huwag mu ng isipin yun,” ginulo g**o niya ang buhok ko “hindi ko naman sila kilala at bahala sila husgahan ako. Binawian lang kita sa isang taong manloloko. Ilang araw pa, mawawala rin yang video. Alam mu naman sa social media ngayon.” Paniniguro niya sa’kin, andito na kami sa tapat ng bahay ng maitanong ko ulit kung ayos lang ba talaga siya about dun sa trending video. Magkalapit lang kami ng bahay, mga sampung kabahayan lang ang pagitan.              “Hmm sige na... Salamat sa ginawa mu best. Makikinig na ko sayo sa susunod.” Paniniguro ko sakanya, ngumiti lang ito.              “Siya nga pala, nakapunta na ko duon sa resto na nakita natin, yung makulay at maraming pailaw sa labas.” turan niya at malawak ang ngiti nito.              “Talaga?” nagningning ang mga mata ko sa sinabi niya, nung nakaraan ko pa gusto itanong iyon. Inaya niya kasi ako na pumunta kami dun, pero itatanong niya pa muna kung kailangan ng reservation.              “Mas maganda nga sa loob at mukhang masasarap ang mga pagkain, nagpa reserve na ko para sa Feb. 14, 7pm. Kaya huwag kang mawawala sa araw na yun ah. May date tayo.” paliwanag niya at nagtuloy na sa paglakad, kumaway ito para magpaalam na siya ring ginawa ko.              Feb. 14, 7pm. Bakit may biglang mabilis na pagtambol sa dibdib ko, sinundan ko siya ng tingin hanggang maglaho siya sa paningin ko. Tatlong araw pa bago ang araw na yun. Alam na alam mu talaga paano ko pasasayahin, Trist. Oo, may date ka sa bestfriend mu sa araw ng mga puso.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD