Pagka-uwi ko dumiretso ako sa taas at para makapag pahinga ng maaga. Nag shower ako ng mainit na tubig at pagkatapos bumaba upang kumain. Alam ko namang wala sila tita at tito dahil laging busy sa kanilang mga trabaho. Nagpaalam naman ako kila Manang Salve at ate Dora na magpapahinga ako ng maaga dahil hindi maganda ang aking pakiramdam. Alam nilang lagi akong napapagod sa trabaho kaya ok lang sa kanila at nakakaintindi naman sila. Naisip ko ang aking mga kaibigan baka magtanong na naman ang mga yon kung bakit hindi ako nag update sa kanila kaya nag log in ako sa aking messenger at nagpunta sa group chat naming. Doon ko nalaman na marami pala silang mga messages kaya nag back read ako. Nag kwento si Glorina na baka si Kevin na ang magiging forever niya. Inaantay niya daw na ligawan siya or

