Hindi na ako nakaimik pa, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ng lalaking to. Kinain ko na lang ang mga pagkain na binigay sakin ng mommy at lola niya. Ang sarap pala ng mga luto nila pero hindi ko alam mga pangalan ng mga to, I know it’s something na mahal. Hitsura palang niya alam ko na agad. Minsan lang ako makakain ng ganito kaya sulitin ko na, bahala na silang mag usap diyan at na stress lang ako kung iisipin ko pa. Bahala sila kung ma turn off sila sa akin jsa ganito ako kumain lalo na ngayon at ginutom ako ng lalaking to kagabi. Nag- uusap usap silang tatlo na patingin tingin sa akin pero hindi ko pinapansin at deretso lang ang kain ko. Nilalagyan naman ng kanyang lola or mom sa tuwing nauubos ko na kaya natutuwa ako sa kanila. How I wish sila ang mga magiging biyenan ko pe

