“Shine” Tawag ko sa pangalan niya, nag vivideo call kami ngayon. Nakangiti naman siyang ina-abangan ang sasabihin ko. “Mahal mo pa ba si J-Justine?” Gulat naman niya akong tinignan pero nag bago naman agad ang reaksyon niya. “No way! Nakamove on na ako you know?” Hindi ko alam kung totoo ba yun o hindi pero nakahinga ako nang maluwag. It’s been 9 years since the day they broke up. Hindi ko naman ine expect na mahuhulog ako sa ex niya. “You sure?” Paninigurado ko, tumango naman siya habang naka ngiti. Ginantihan ko siya nang ngiti bago pinatay ang tawag. Makalipas ang ilang buwan habang naka-higa ako sa kama ay napag isip isip ko nang tawagan si Justine. Sa tono niya ay mahahalatang pagod siya. [Bakit mahal?] Tawagniya sakin… Mahal, yan ang tawag niy saakin simula noong nanligaw siya.

