“Eve? Ang lalim naman nang ini-isip mo.” Napatingin ako kay Marco na sumisimsim na nang kape ngayon. Nasa Kainan kami ngayon, ang iba samin ay kumakain at ang iba naman ay nag aaral. Ngumiti ako sa kanya nang mapait hindi alam kung paano sasabihin sa kanila. Nang mapansin nilang may kakaiba sakin ay unti unti na nilang binigay sakin ang kanilang atensyon. Confusion flashes to their faces. “K-kunin ako nang tita ko” Nakayoko lang ako habang ramdam ko ang kanilang mga titig. “Saan naman?” Tanong ni Lhester, kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Los Angeles’ “Kailan? aatend ka pa nang debut ko diba?” Yumi is our bunso, siya ang huling mag dedebut samin. Siya ang pinakabata pero siya ang pinaka mature. “Aalis ako after nang birthday mo… sa 23 ako aalis” Ayoko silang iwan kaso kaila

