13

1900 Words
Pareho kaming tahimik ni Tokyo na nakasakay sa kotse ngunit ang pinagkaiba lang ay hindi na siya ang nag mamaneho. Ngayon ay may driver na siya’t higit sa lahat, kanina pa mag kahawak ang aming mga kamay. Hindi ko inaakalang sa isang iglap ay mapapawi niya ang lungkot at sakit na naramdaman ko kung kaya’t minsan pag nagkakahulihan kami ng tingin ay bigla nalamang kaming ngingiti sa isa't isa. “Are you cold Baby?” “Hindi. Okay lang ako.” “Sure?” “Sure.” Muli ay bumalik kami sa katahimikan at patuloy na pinapanood ang pag buhos ng ulan habang tinatahak ang daan kung saan wala akong ideya ng patutunguhan hanggang sa narating namin ang isang malaking bahay na mala mansion sa laki. Ito rin ata ang pinaka maaliwalas na bahay sa lugar na 'to. Pagkapasok ng kotse sa gate ay tanaw ko ang mga nag hihintay sa pinto. Limang babae ito na pare-pareho ang uniporme. Nang bumaba kami ay sinalubong kami ng dalawa sa mga ito na may dalang payong habang ang natirang tatlo ay bumati kay Tokyo. “Bahay mo ba 'to?” “Hmm.. Sorta.” Ngumiti lamang siya sa'kin bago kinausap ang limang babaeng housekeepers. Ako naman ay iginala ang paningin sa kabuohan ng bahay ng makapasok kaming lahat. Halos mamahalin ang mga gamit sa bahay na 'to lalo na ang napaka garbong chandelier na sa palagay ko mas maliwanag pa sa mga poste ng ilaw sa labas. Nagulat pa ako ng lumapit sa'kin ang isa sa mga housekeepers para kunin ang aking bag sabay abot din ng puting bathrobe dahil hanggang ngayon ay mukha pa rin akong basang sisiw dulot ng pag papaulan kanina. Ang kaso bakit ganoon? Si Tokyo tuloy mukhang bagong ligo lang. Siya na ang fresh looking. “Natutulala ka na naman ba sa kagwapuhan ko, Baby?” “H-hindi ah.” Ngumisi lamang siya at tinanong kung anong gusto kong dinner. Kagaya ko ay hindi pa rin pala siya kumakain. “Sopas nalang. Pareho tayong naulanan eh. Ako nalang ang mag luluto.” “No. You are tired. Kaya na nila 'yan. Let's go.” “Saan tayo pupunta?” Imbes na sagutin ang aking katanungan ay hinawakan niyang muli ang aking kamay at nag simulang mag lakad papunta sa.. Escalator? Seryoso? May escalator sila sa bahay? “It's my mother's idea.” Nabasa kaagad ni Tokyo ang pagtataka at pagka mangha sa aking mukha kung kaya’t kahit hindi ako nag tanong ay sinabi niyang madaling mapagod ang kaniyang mama kaya imbes na hagdan ang ilagay sa bahay nila ay pinili ng mama niyang escalator dahil mas convenient sa lahat. Pagkarating namin sa second floor ay may isa pang escalator kaming sinakyan patungo naman sa third floor ng kanilang bahay. Nang marating ang third floor ay kumaliwa kami’t tinahak ang pinaka dulo ng pasilyo. Tumigil kami sa isang kwarto na may double doors na gawa sa matibay na kahoy. “Kwarto mo?” “Natin.” “Natin?” “Yep.” Pagkabukas ng pinto ay bumulaga sa'kin ang napaka laking kwarto na sa gitna ay may queen.. Hindi, king size na kama. Una akong pinapasok ni Tokyo bago siya at siya na rin ang nag sara ng pinto. Pinag halong kulay puti at sky blue ang loob ng kwarto kaya maganda sa mata ngunit hindi ko maiwasang mag salubong ng kilay ng makitang salamin ang pader ng banyo. Sa loob nito, bukod sa may shower na, meron din itong hot tub. May isa pang partition din sa loob para sa inodoro. “Parang nakakaasiwa namang gamitin ang banyo mo.” “Haha! Hindi naman. May kurtina sa loob. You just have to press a button inside. Also, the glass wall is made of transition glasses. When lights are on, the glass changes from crystal clear to shady.” Tumango-tango ako saka siya hinarap. Muntik pa akong matumba dala ng gulat sapagkat nasa likod ko na pala siya. Buti nalang nasalo niya ako at inayos ang aking pagkaka tayo. “Salamat.” “You're welcome.” Ilang segundo rin kaming nagkatitigan hanggang sa naalala ko ang nangyari kanina kaya ako na ang naunang nagbaba ng tingin. Medyo lumayo rin ako sa kaniya na nagpabitaw ng kamay niya sa aking baywang dahil pakiramdam ko bigla nalamang akong napaso. “Sorry.” “Hindi, okay lang. Tokyo, paanong..” “Later Baby. We'll talk later. First, I want you to take a shower. Second, we'll eat our dinner. Okay?” “Okay.” “Good girl.” Ngumiti siya saka ako tinulak-tulak papasok ng banyo. Pagkapasok ng banyo ay agad kong nakita ang tinutukoy ni Tokyo na switch para maibaba ang kurtina at tama rin siyang unti-unting nag didilim ang salamin ng buksan ko ang ilaw. Nang masigurong maayos na ang lahat ay sinimulan ko ng mag hubad. Nagtaka pa nga ako dahil merong shampoo at body wash dito para sa babae ngunit hindi naman major issue ito kaya ipinagpatuloy ko nalamang ang aking pag ligo. Pagkatapos maligo ay kumuha ako ng panibagong bathrobe na naka hanger sa cabinet at isang maliit na tuwalya para pantuyo ng aking buhok. Lalabas na sana ako ng bigla akong umatras at muli ay tumalikod. “Sorry.. ‘Di ko sinasadya.” Tanging halakhak lamang ni Tokyo ang narinig ko bago niya ako pinipilit na palabasin ng banyo. Siya kasi eh, alam naman niyang hindi siya nag iisa sa kwartong ito ba't siya nag to-topless tapos tuwalya lamang ang pantakip sa ano niya.. Hindi naman siya ganito ka-daring ng magkasama kami sa hotel. Bago siya noon maligo nakadamit siyang pumapasok sa banyo. Pag labas niya ay nakabihis na rin siya. “Baby, lumabas ka na. Kapag hindi ka pa lumabas diyan ako mismo ang mag lalabas sa'yo.” Bagama’t pinagbabantaan niya ako kung kaya’t napilitan akong lumabas ngunit siniguro ko munang sarado ang aking mga mata upang hindi ko siya makita. Baka akalain pa niya sinisilipan ko siya. Sapagkat struggle is real kaya habang nag lalakad palapit sa kama ay kung ano-anong nahahawakan ko para masigurong alam ko kung saan ako dumadaan. Ngunit natigil ako sa paglalakad ng maramdamang kakaiba ang aking nahawakan. “What are you doing?” Agad kong ibinukas ang aking mga mata at natagpuan si Tokyo sa aking harapan na naka pamewang. Nanlaki rin ang aking mga mata ng mapagtanto kong nasa dibdib niya pala ang dalawa kong kamay kaya naman parang tipaklong akong napatalon sabay atras. “Ay poging hubadero! Sorry. Sorry talaga.” At dahil sa pangyayaring iyon ay nagsimula na naman siyang mang asar sa'kin. Mula ng matapos siyang maligo hanggang sa makarating kaming dining area ay tatawa o kaya ngingisi siya sa akin. “Baby haah. Gusto mo pala ng mga poging hubadero.” “Tse! Hindi. Hinding hindi.” Harujusko! Gusto ko ng sumama sa liwanag ng chandelier nila at mag disappear sa sobrang kahihiyan. Nang matapos kaming kumain ng hapunan ay inaya niya ako muling bumalik sa kaniyang kwarto. Katatapos ko lang mag toothbrush ng maabutan ko si Tokyo na nag hihintay sa'kin sa kama. Kagaya ng kulay ng kaniyang kwarto ay nakasuot siya ngayon ng puting t-shirt at sky blue na pajamas. Nakaunan din siya sa kaniyang braso habang pinapanood akong nagsusuklay ng aking buhok sa tapat ng salamin. “Ba't ganiyan ka makatingin?” “Ang ganda mo eh.” Walang pag aalinlangang sagot niya. Idagdag pa na parang tumatagos na naman sa aking kaluluwa ang mga mapupungay niyang mata kung kaya’t nag simula na namang mag init ang aking mukha. “Siya nga pala. Sabi mo mag uusap tayo.” “Yes. I'm just waiting for you to finish your combing.” Bagama’t nakakahiya namang pag hintayin siya kung kaya’t tinapos ko kaagad ang aking pag susuklay saka lumapit sa kama. Sa kanto lang ako naupo habang si Tokyo naman ay bumangon na’t sabay indian sit. “Well then. Ladies first. Fire me your questions Baby.” “Mabuti naman ako ang pinauna mo. Paano mo ako nahanap?” “You mean paano kita nahanap kanina?” “Oo. May pagka-kabute ka rin noh? Bigla-bigla ka nalang sumusulpot.” “Kabute talaga? Hindi ba pwedeng knight in shining armor mo? Anyway, I've been following you for the past three days.” “Haah?!” Pinakatitigan ko siya hanggang sa naalala ko yung asul na kotse.. “Sa'yo ba yung..” “Blue car? Yep, I used that but that car isn't mine. Kay Brian 'yun.” “Eh diba hindi ka pwedeng mag drive?” “How did you know I am not allowed to drive?” Lagot! Paano ko 'to lulusutan na si Jenna ang nag kwento sa akin? “Eh h-hindi ikaw ang nag drive kanina diba? Kaya akala ko hindi ka na pwedeng mag drive.” “Haha! Cute. It might be Seijuro or Jenna who told you what happened to me from the past months. You are right. I am forbidden to drive because my license was suspended. However, I have my tricks so I won't get caught.” “Pasaway. Huwag mo ng uulitin 'yun ah.” “Hindi na po Baby ko.” “Mabuti naman kung ganoon.” Nagkangitian kami at sinabi niya sa akin na sa kaniya galing ang mga gulay at prutas na pinadala sa mga Uchida. Nakita niya kasing may mga edad na ang pinag tatrabahuhan ko kaya naman mas mainam ng gulay at prutas ang ibigay niya para naman makatulong sa kalusugan ng mag asawa. “Alam ko rin na niloloko ka ng boyfriend mo. Oh wait, I mean ng ex-boyfriend mo.” “Alam mo na pala ba't hindi mo ako sinabihan kaagad?” “Mas mabuti ng ikaw ang makahuli mismo. Baka kasi sabihin mong sinisiraan ko siya sa'yo. Inlababo ka pa naman sa gagong 'yun. But you know what, I can still remember the shock plastered on his f*****g face especially when he witnessed our kiss.” Nakaramdam na naman ako ng pag iinit sa aking mukha ng mag replay sa utak ko ang halikan namin kanina sa ilalim ng ulan. Kahit na bugso lamang iyon ng damdamin, kahit papaano ay hindi ko maiwasang kiligin na tanging si Tokyo lang ang nakapag bibigay sa aking sistema. Kinilig din naman ako sa walang hiyang Junno na 'yon pero hindi grabe kagaya ng kay Tokyo. “Ba't mo nga pala ako hinalikan kanina haah?” “Ba't ka rin nag pahalik kanina haah?” “Kasi.. Ikaw.. Ano..Eh..” Unti-unting gumapang si Tokyo palapit sa akin na para bang tigreng nakakita ng kaniyang target. Tatayo na sana ako subalit mabilis niya akong hinablot at inihiga sa kama. Dumagan din siya sa akin at hinawi ang buhok na kumakalat sa aking mukha bago niya ako pinagmasdan na para bang nangulila rin siya sa akin. “You should get used to this Baby.” “A-anong ibig mong sabihin Tokyo?” Inilapit niya ng dahan-dahan ang kaniyang mukha sa aking mukha rason para ipikit ko ang aking mga mata. Bakit ko nga pala ipinikit ang mata ko? Baby naman, assuming lang? Subalit wala namang dumikit sa aking labi bagkus naramdaman ko ang hininga niya malapit sa aking tenga na nag patayo sa aking balahibo lalo na ng marinig ko ang kaniyang ibinulong. “Get used to this because tomorrow, you're no longer a Rosas, Mrs. Billie Jean Lee.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD