1

1801 Words
Pagkababa ko ng stage ay agad akong sinalubong ni Mamang Beauty at iniabot sa'kin ang isang robe upang matakpan ang aking katawan. Bagama’t malakas ang musika na nagmumula sa speakers ng nightclub ay hindi ko gaanong naririnig ang sinasabi ni Mamang Beauty kung kaya’t hinila ko siya papuntang dressing room. “Ano pong sabi niyo?” “Ang sabi ko may naghahanap sa'yo.” “Sino po?” “Sino pa nga ba?” Ang kulit! Hindi ko maiwasang mag salubong ng kilay at mapabuntong hininga. Nakakaubos na rin ng pasensya ang hapon na 'yun. “Mamang, pwedeng ikaw nalang ulit ang kumausap?” “Naku Baby, ilang araw ka na nun hinahanap sa'kin. Sinubukan ko kayang landiin pero wa epek ang beauty ng mamang mo sa hapon na 'yun. Kausapin mo na para magtigil na.” “Eee.. Titigil ba talaga 'yun pag kinausap ko na?” “Oo. Tiwala lang.” “Sige na nga. Mag bibihis lang ako. Samahan mo ako ah.” “Sureness. Naku, hindi ko rin naman masisisi 'yang si Genji kung bakit patay na patay sa'yo. Ikaw ba naman na 34-23-35 ang VS tapos may magandahin pang mukha, kahit siguro ako kung lalaki ako ay hindi rin ako titigil. Pero wala eh, simula ng ilabas ako ng nanay ko, alam ko na deep in my heart na pusong babae talaga ako.” Natawa nalamang ako sa sinabi ni Mamang Beauty. Siya ang handler ko sa exclusive nightclub ng Birds of Paradise. Oo, exclusive dahil mayayaman lamang ang nakakapasok dito. Mag iisang taon na rin akong stripper sa club na ito kung kaya't komportable na rin ako kay Mamang. Si Genji naman ay.. sabihin na nating taga hanga ko simula ng mag trabaho ako sa night club na ito. Halos ka-edaran ko lang siya’t mabait naman, galante rin ngunit makulit. Sobra. Dito kasi sa nightclub, pwede kaming makipag kwentuhan sa kliyente pero may mga limitasyon gaya ng pakikipag date lalo naman ang makipag relasyon sa aming kliyente. At wala sa isip ko ang lumabag sapagkat ayaw kong makompromiso ang aking trabaho at ang relasyon ko kay Junno, ang aking nobyo. Hindi na nga ako makapag antay na sumunod siya rito sa Japan dahil nakakuha ng kontrata ang kaniyang banda sa isang bar sa Osaka upang maging regular na musikero doon. “Funny ka talaga Mamang. O nakapag bihis na ako. Asan na ang kutong lupa na 'yun?” “O.A naman sa kutong lupa. Kung ganoon kapogi ang mga kutong lupa ano nalang pala ang tawag mo sa mga hindi pinagpala ng kagwapuhan? Salot?” “Haha! Naku Mamang, tara na nga.” Lumabas kami ng dressing room ni Mamang Beauty at pinuntahan si Genji. Nakita naman namin kaagad siya kasama ang kaniyang mga kaibigan at mga bodyguards. Hindi mapunit-punit ang kaniyang ngiti ng makita akong papalapit kahit deep inside ay gusto kong mag taray kung kaya’t pinilit ko nalamang na ngumiti sa kaniya. “Oh Baby.” “Kombanwa. O genki desu ka, Genji-san?” “Genki desu. Come, sit here.” Turo niya sa bakanteng sofa katabi ng kaniyang inuupuan ngunit pinauna ko si Mamang Beauty kung kaya’t siya ang naging katabi ni Genji. Ako naman ay sa tabi ni Mamang Beauty kaya naman ay napapagitnaan namin siya ni Genji rason para mag laho ang ngiti ni Genji sapagkat hindi nasunod ang kaniyang plano. At wala akong paki alam. “What do you want to eat and drink, Baby? You are so beautiful in the stage.” Nakita ko ang kakaibang hagod ng kaniyang mata sa aking katawan mula ulo hanggang paa at nadako rin ito sa expose kong hita. Hindi ko alam kung nakita niya ang pag taas ng aking kilay pero mukhang hindi naman dahil nakangiti na naman ito. Nakasuot lang kasi ako ng mini skirt ngayon, mamaya pa ako pwedeng makapag palit ng pantalon pagkatapos ng trabaho. “Thank you, Genji-san. I'm happy you liked my show. Mamang Beauty told me that you would like to talk to me.” “Yes, that’s right. Baby, please. I really want to date you. I would like to bring you to my private beach house and there we can enjoy ourselves.” Enjoy ourselves? Neknek mo. “That is really sweet Genji-san. I really want to visit your beach house but I can't. I think I have told you already the rules of our night club.” “Yes, I know that but can't you make me an exception?” “Unfortunately no.” Napainom nalamang ng kaniyang beer si Genji kaya nagkatinginan kami ni Mamang Beauty. Nag tagal kami sa table ni Genji at pareho kami ni Mamang na nagpakasawa sa mga inorder niyang pagkain. Matapos ang pag uusap naming iyon ni Genji ay hindi na siya masyadong nag sasalita hanggang sa oras na para mag sara ang club. Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ng mga gamit ng pumasok si Jenna sa dressing room. Kasamahan ko si Jenna sa trabaho at isa ring stripper na kagaya ko. “Saan ka galing Jenna? Kanina ka pa hinahanap sa'kin ni Mamang Jolina.” Si Mamang Jolina naman ang handler ni Jenna. Kagaya rin siya ni Mamang Beauty na transgender. Parang aso't pusa nga ang dalawa dahil wala ni isa sa kanilang dalawa ang gustong mag pakabog. “Kinuha ko lang itong regalo ko galing kay Mr. Fujioka.” Kung ako ay may Genji, si Jenna naman ay may Mr. Fujioka. Pero at least si Mr. Fujioka ay mabait at makikitang friendship lamang ang habol kay Jenna. “Ano ba 'yan?” “Mga face masks, alcohol, tapos ano pa ba ito.. May vitamins din.” “Wow naman. Pang ilang buwan mo ng supplies 'yan ah.” “Hindi naman. Bibigyan kita tapos itong iba ipapadala ko sa Pilipinas.” Alam naming may kumakalat na virus ngayon hindi lang dito sa Japan maging sa ibang parte ng mundo kung kaya't nag tataka kami kung bakit parang normal pa rin ang takbo ng buhay dito sa Japan. Ang pinagkaiba lang namin sa ibang bansa ay normal na sa amin ang mag suot ng face mask tuwing lalabas. “Salamat Jenna. Uwi na tayo?” “Sige. Ayusin ko lang ang mga gamit ko tapos larga na tayo.” Matapos naming makapag ayos ay nag paalam na kami sa mga handlers namin at umuwi. Mag a-alas sinko na ng umaga kami nakalabas kung kaya’t ramdam na ramdam namin ang lamig dito sa Japan. Bagama’t malapit na ring mag breakfast kaya naman napag desisyunan namin ni Jenna na dumaan muna ng convenience store para bumili ng bento at kape. Habang inaantay ang paper cup kong mapuno ng kape mula sa vending machine ay nadako ang aking tingin sa TV na kasalukuyang nasa local news. “Grabe, nakakatakot pala 'yang kumakalat na virus noh?” Aniya ni Jenna na nanunuod din ng balita. “Oo nga. Kumusta na kaya sa Pilipinas?” “Mas kawawa kapag 'yang virus na 'yan nakapasok ng Pilipinas.”   Bigla ko tuloy naisip si Junno. Sana hindi naman maapektuhan ang pag lipad niya papunta rito sa Japan. Matagal niya ng gustong makapunta rito kaya naman hindi ko maiwasang hindi mag alala. “Sa tingin mo Baby, maaapektuhan kaya ang trabaho natin dahil diyan?” “Hindi ko alam. Pero sana huwag naman. Kawawa ang pamilya natin sa Pilipinas.” At mas kawawa ang pamilya ko kung wala silang matitirahan sa gitna ng nangyayari ngayon. Paano ba naman, ang magaling kong tatay ay itinaya ang maliit naming lupain sa isang sugal. Nang matalo ay wala namang perang pantubos kaya heto, kahit mahirap ang aking trabaho ay kinakaya ko para sa kanila lalo na sa kapatid kong may autism. Matapos sa convenience store ay nag lakad kaming muli ni Jenna. Malapit lang naman ang aming tirahan sa night club, mga 30 minutes na lakaran. Okay lang naman dahil parang exercise na rin namin ito at para makatipid ng pamasahe. Sanay din naman ang mga tao rito sa lakaran kaya ganoon na rin kami. Habang nag lalakad ay isang tanong ang ibinigay sa’kin ni Jenna. Medyo nawirduhan pa ako dahil ngayon lang siya nakapag tanong sa akin ng ganito. “Sa tingin mo ba Baby may mag mamahal din sa'kin kahit ganito ako?” “Oo naman. Tingnan mo ako, tanggap at mahal naman ako ni Junno. Bakit mo naman naitanong 'yan?” Huminga muna ng malalim si Jenna at humigop ng kaniyang kape. Tahimik naman akong nag hihintay sa susunod niyang sasabihin. “Kilala mo si Seijuro diba?” “Oo. Isa sa mga kliyente natin. Bakit?” “Ano kasi..” “Jenna.. Huwag mo sabihing may gusto ka sa kaniya?” Dahan-dahang tumango si Jenna sa akin at ngumiti rin ito na para bang teenager kaya naman maging ako ay napangiti rin. “Kailan pa?” “Matagal na. Hindi ko lang masabi sa'yo kasi nahihiya ako.” “Ba't ka naman mahihiya?” “Alam mo na, yung rules natin sa night club diba? At saka, wala rin naman akong pag asa sa kaniya.” “Anong wala? Jenna, maganda ka kaya. Inside and out. Ikaw nga ang Nadine Lustre namin diba?” May hawig kasi si Jenna sa artistang si Nadine Lustre at pareho rin silang morena beauty kaya takaw pansin itong kaibigan ko sa mga puting foreigners. “Haha! Salamat Baby. Crush ko lang naman si Seijuro.” “Pero halimbawa magkagusto nga sa'yo si Seijuro tapos naging kayo? Iiwan mo ba ang trabaho mo sa night club?” “Oo naman. Hindi habang buhay ganito ako Baby. Tatanda rin ako at kukupas ang mga ito.” Itinuro niya ang kaniyang mukha, ang kaniyang hinaharap, at pang huli ay ang kaniyang pagka babae kung kaya’t medyo natawa ako. Pero totoo naman ang kaniyang sinabi. Sa trabaho namin ay pisikal na aniyo ang puhunan kaya naman kung todo alaga at pag iingat sa amin ang aming mga Mamang. “Totoo 'yan. Basta kung saan ka sasaya Jenna, susuportahan kita.” “Ikaw ba Baby, wala ka bang balak umalis ng night club?” “Meron din. Gaya nga ng sabi mo hindi naman tayo pang habang buhay sa ganitong trabaho. Hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan ako tatagal. Alam mo naman, may binabayaran pa akong utang.” “Oo nga. Sana makabayad ka na kaagad at sana swertehin sa career 'yang si Junno. Malay natin, siya pala ang sagot sa pag hihirap mo.” “Haha! Tingnan natin.” Ngiti ko kay Jenna. Hanggang kailan nga ba ako sa ganitong sitwasyon? Dahil napuno ako ng katanungan at pag aalala ay pinauna ko na si Jenna sa tinutuluyan naming apartment habang ako naman ay tumawag ng taxi at nag pahatid sa pinaka malapit na simbahan upang mag dasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD