Matiwasay naming narating ni Tokyo ang isla kung saan kami mag papalipas ng gabi. Maingat niya rin akong inalalayang makababa mula sa speed boat na unang sinakyan din namin noon papunta rito. Mabuti na nga lang at sa pagkakataong ito ay wala ng nakabuntot sa aming pating dahil kung nagkataong meron ay kahit pa lumuhod ako sa harapan niya ay gagawin ko bumalik lamang kami sa tinutuluyan naming hotel.
“Sigurado ka ba talaga na tayong dalawa lang ang nandito?”
“Yep. Bakit? Having those Jumanji or Jungle book thoughts again?”
Pang aasar niya sa'kin habang kinukuha ang mangilan-ngilang gamit na dala namin mula sa speed boat. Sinimangutan ko nalamang siya at muling ibinaling ang paningin sa paligid. Kaya lang naman ako nag tatanong sapagkat parang may nag bago sa beach house. Parang ni-renovate ba tapos hindi rin problema ang dilim na hatid ng gabi sapagkat sagana sa poste ng ilaw ang kapaligiran. Nang makuha ni Tokyo ang mga kagamitan namin ay sabay na kaming nag tungo sa beach house. Kagaya noon ay may mga pagkain ulit na nag hihintay sa'min sa loob ngunit sa dami ba naman ng pagkain kanina sa kasal ay wala pa akong ganang kumain muli.
“So, hanggang ilang rounds tayo mamaya Baby ko?” Pilyong ngiti ni Tokyo matapos niyang mailapag sa sahig ang kaniyang mga dala. Hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi kung kaya’t tiningnan ko siya ngunit binigyan niya lamang ako ng isang kindat bago niya ako nilampasan upang lumabas muli.
“Teka. Diba ang sabi mo mag uusap tayo?”
Agad akong sumunod sa kaniya sa labas at naabutan siyang abalang kumukuha ng mga sibak na kahoy malapit sa beach house. Inipon niya muna ito sa isang tabi bago ito binuhat ng isahan.
“Of course we'll talk Baby ko. That's the plan and that's why we're here but who knows what will happen later. Perhaps we'll go rolling and do cha-cha 'til the morning.”
“Ganoon? May pa cha-cha? Akin na nga lang 'yang ibang kahoy, tutulungan na kita.”
“Nah uh. I'm not gonna let my wife carry a bunch of logs so you can go back inside. Kaya ko 'to. Hindi man kasing laki nung kaibigan mo ang katawan ko pero malakas ako, Baby.” Sabay simangot niya at umiling bago dinala ang inipon niyang mga kahoy papunta sa buhangin.
“Hala siya.”
Natawa nalamang ako bago siya tinalikuran at bumalik sa loob. Bagama’t mukhang wala naman akong maitutulong sa kaniya ngayon kaya napag desisyunan ko nalamang maligo na't mag bihis. Akmang mag huhubad na sana ako ng suot kong wedding dress ng maalala kong may nakakabit palang CCTV rito. Kaagad kong inilibot ang paningin sa loob ng kwarto ngunit wala naman akong makitang camera kaya lumabas akong muli para tanungin si Tokyo.
“f**k! Ba't ayaw?”
“Sabi ko na kasi sa'yong tutulungan na kita eh. Hindi mag liliyab 'yan kung mag mumura ka lang diyan.”
Bigo akong nilingon ni Tokyo matapos kong makalapit. Paano naman kasing hindi siya mabibigo eh mali naman ang ginagawa niya. Hindi sapat ang lighter para makagawa ng apoy sa ganitong kakapal na mga kahoy. Kaagad ko siyang inutusang kunin ang aking kakailanganin para masimulan ang kaniyang bonfire. Buti nalang at wala naman akong narinig na reklamo mula sa kaniya kung kaya't mabilis niyang naibigay sa'kin ang aking kakailanganin. Habang abala ako ay nasa tabi ko lamang siya’t matamang pinapanood ang bawat kilos ko.
“Girl scout ka ba noon?”
“Hindi. Majorette ako.”
“Oh, the baton twirling and dancing. That's cute. Kung majorette ka, paano ka natutong gumawa ng bonfire?”
“Por que majorette hindi na pwedeng matutong mag siga?”
“Right, I'm sorry kung naging judgmental ako.”
“Ang totoo niyan hindi naman ako marunong gumawa ng bonfire. Sa bahay kasi namin sa probinsya madalas akong mag siga para makapag luto si Nanay. Tinitipid kasi namin ang gasul kasi mahal. Inaapply ko lang ang alam ko para hindi na kumunot ang noo mo riyan.”
“Haha! Sweet. Well then, Salamat Mrs. Lee.”
“Walang ano man.”
Hindi pa man ako sanay na tawaging Mrs. Lee ay kakaiba na ang saya na dulot nito sa aking puso kung kaya't hindi ko naitago ang pag ngiti ko sa narinig. Hindi man ako nakatingin sa direksyon ni Tokyo ngunit mula sa peripheral ko ay alam kong nakatingin pa rin siya sa akin.
“Ikaw ba? Hindi ka ba naging boy scout noon?”
“Naging boy scout din pero hindi ko naman sineryoso. Mas focus kasi ako noon sa pag lalaro kaya hirap ako sa mga ganitong bagay.”
“Ah. Kahit simula bata pala mahilig ka na talaga sa games.”
“Yeah that's why I have few friends back then. Palagi pa akong nabubully dahil sa itsura ko. I was a skinny kid with thick eye glasses kaya sa mga panahong 'yon ay mga games ko lang ang kasangga ko.”
“Oh. Nakakalungkot naman.”
“Well, past is past. Ang importante ay kung ano na ako ngayon.”
“Tama. Hu u sila ngayon sa'yo.”
“Haha! Yeah. Anyway, nag sisisi ka ba Baby na nag pakasal ka sa'kin?”
“Hmm.. Oo eh.”
Namilog ang mga mata ni Tokyo sa aking sagot. Pinatigil niya rin ako sa aking ginagawa at hinawakan ang magkabila kong balikat upang iharap sa kaniya.
“W-why? May nagawa ba ako o nasabing hindi mo nagustuhan? Tell me, please.”
Takot ang nangingibabaw sa kaniyang mukha ngayon kaya naman ang binabalak ko sanang biro ay hindi ko na itinuloy bagkus napalitan iyon ng habag kung kaya't kinuha ko ang kaniyang kamay at hinawakan ito.
“Kung may pag sisisi man ako ay ‘yun ang hindi ka nabigyan ng magandang mensahe kanina sa kasal. Nahiya tuloy ako sa mensahe mo para sa'kin.”
Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng kaniyang mukha ng marinig ang aking sagot. Napalitan din ito ng ngiti kaya naman gumanti rin ako ng ngiti sa kaniya. Totoong nag sisi ako sa parteng 'yun sapagkat bukod sa napaka ikli na ng sinabi ko, mula pa sa isang kanta ang aking sinabi samantalang kay Tokyo ay mahaba at nakaka antig ng puso. Para bang pinaghandaan niya ang sasabihin niya kaya naman hindi lang ako ang naluha, maging ang ilang bisita namin ay nakisabay din sa'kin kanina.
“I still find it meaningful. You know, if you can't say it directly then let the song express it on your behalf.”
“Isang kasabihan na naman ba 'yan mula sa nag iisang Tokyo Lee?”
“Maybe? Thank you, Baby.”
“Walang ano man. Thank you rin.”
Ipinag patuloy ko ang aking ginagawa hanggang sa unti-unti ng nabubuhay at lumalaki ang apoy sa bonfire. Saglit na nag paalam si Tokyo na kukuha ng mauupuan namin kaya naiwan muna akong mag isa pansamantala. Mabuti talagang nag bonfire kami ngayong gabi kung dito kami mag uusap sapagkat tumatagos sa balat ang lamig na hangin na nag mumula sa karagatan. Nang makabalik si Tokyo ay may bitbit na siyang dalawang kumot, dalawang wine glass, at isang bote ng red wine.
“Tada! May apoy na.”
“Wow, hindi nga ako nagkamali sa desisyon kong ikaw ang pakasalan. You're like peanut butter in my jelly, the cheese in my macaroni, the cream in my pie..”
“Hep hep! Anong cream in my pie haah?”
“Oh, come on Baby, you know what I mean.”
Sabay ngisi niya kaya pinanliitan ko lamang siya ng mata. Nang masigurong maayos na ang bonfire ay nag paalam muna ako kay Tokyo na babalik ng beach house para makapag hugas ng kamay. Hindi na muna ako magpapalit ng damit sapagkat hindi ko pa alam kung saan nakalagay ang CCTV kung kaya’t ng matapos makapag linis ng kamay ay kaagad na akong bumalik sa labas. Doon ay nag hihintay ang inilatag ni Tokyo na mga kumot at ang mga basong may lamang wine.
“Mag uusap na ba tayo?”
“Yeah. Please, make yourself comfortable.”
Naupo ako sa kumot sabay kuha ng wine glass. Kagaya ni Tokyo, habang umiinom ay nakatuon din ang aking paningin sa dagat. Parang naaakit na naman akong ibabad ang paa sa tubig ngunit baka may kung ano na naman ang kumagat sa akin.
“Baby.”
“Bakit?”
“Will you run away if I tell you something unexpected?”
“Anong unexpected 'yan?”
Huminga siya ng malalim at pansamantalang sumulyap sa'kin bago itinuon muli ang kaniyang mga mata sa dagat. Binuksan niya rin ang ilang botones ng suot niyang puting polo at saktong humangin kung kaya’t isinayaw nito ang kaniyang buhok. Ba't ang hot niyang tingnan?
“I fell in love Baby.”
Pag amin niya kung kaya’t natawa siya ng bahagya samantalang tumigil naman ang aking oras. Ito na ba ang kailangan kong pag sisihan ngayon? Hindi ba kasasabi ko lang kanina na hindi ako aasa sa kaniya? Ang tanga ko..
“Jeez, I can't believe I'm in love. I thought I was just gushing over the new things in my life and I was confident that I can handle it but as time goes by, I realized that this ain’t normal anymore. I'm already losing myself. I am being drifted away.”
Tumayo siya sa kaniyang inuupuang kumot at lumipat sa aking tabi. Ewan ko ba at parang nakaramdam ako ng ilang sa kaniya matapos ang pag amin niya ngunit hindi ko nalamang ito ipinahalata sapagkat masayang-masaya siya ngayon kahit ako ay lihim na nasasaktan. Oo, nasa sa'kin nga ang apelyido niya ngunit hindi ko naman pag mamay-ari ang kaniyang puso.
“Tama si Amber. Nahanap ko na nga ang katapat ko.”
“Kung may mahal ka na pala, ba't mo pa itinuloy ang lahat ng 'to? Hindi ka na sana mag titiis sa'kin ng anim na buwan.”
“Who told you that this marriage is for six months only?”
“A-ano? Diba sabi mo..”
“Not anymore, my love.”
My love?
“Let's make this real, Baby.”
“Tokyo..”
“The moment you said yes to my proposal, to my informal proposal, I knew you were the one holding the other end of the red thread. Heck, I even now believe in the red thread. Haha! I can see my whole life with you, Baby. Crazy and freaking cheesy it may be right now but Billie Jean, my sweet drift, I, Tokyo Lee, is in love with you, madly in love with you.”
Kaagad kong sinampal ang aking sarili nang magising ako sa panaginip na ito subalit hindi eh, masakit. Maging ang nasa harapan ko ay nagulat ng saktan ko ang aking sarili kaya kaagad niyang inilagay ang kaniyang kamay sa aking pisnge.
“What are you doing?”
“T-totoo ba ang narinig ko? Ikaw naman nga ang sumampal sa'kin ng magising na ako sa panaginip na 'to.”
Ipinikit ko pa ang aking mga mata ngunit imbes na kamay ay labi ni Tokyo ang dumampi sa aking pisnge. Hindi lang napirmi sa aking pisnge ang kaniyang labi, dinaanan din nito ang noo ko, ilong, at pang huli ang aking labi.
“You are not dreaming Baby. I love you and please don't run away.”