“What?! You mean mag tatagal ka riyan? I knew it. Dapat talaga sumama na ako.” Dismayadong sagot sa'kin ni Tokyo matapos malamang kailangan kong umulit ng proseso ng quarantine at test dito sa probinsya. Mukhang mag tatagal ako rito sa'min ng wala sa plano. Wala naman sanang problema sapagkat konting-konti nalang ay makakasama ko na ulit ang aking pamilya. 'Yun nga lang, hindi ako pwedeng mag tagal dahil kailangan kong mag hanap kaagad ng trabaho. Isa pa, nag sisimula na ngayong mag panic itong asawa ko sa hatid kong balita sapagkat ang buong akala niya’y makakabalik ako kaagad ng Maynila. “Relax lang Tokyo. Wala tayong magagawa. Kailangan kong sumunod.” “You can't tell me to relax Baby knowing you're all alone right now. Ano pa bang gusto nila? You're negative. You have with you your t

