Ygo Iniiwasan na nga sana niya ang dalaga kaya lamang ay hindi niya kayang gawin iyon sa dalaga nang may nakakakita. Kaya naman nagpatianod na siya rito. Pumayag na siya na mag-usap sila sa garden. Ngunit hindi niya kayang tagalan ang tingin ng dalaga sa kanya. Pakiramdam kasi niya ay nanunuot iyon hanggang sa kanyang kaibuturan. Hindi niya malaman kung bakit nakakaramdam siya ng paninigas sa gitnang bahagi niya tuwing makikita ang mukha at katawan ng dalaga at kapag nasa malapit lamang ito. Napapalunok siya. Iyon ang dahilan kaya pinili niya na lamang na magpakapormal sa harapan ng dalaga. Gusto niyang dumistansya rito. Pilit niyang itinago ang mga emosyon na hindi niya maipaliwanag. At walang pakundangan niyang iniwan ito upang makaiwas sa nararamdaman na pag-iinit. Hanggang ngayon ay h