Alex : Plastic surgery nga ba o talagang may mali? Mariin na ipinikit niya ang mga mata. Sinariwa niya ang nakaraan. Natatandaan niya ang ilang detalye ng huling taon na makita niya si Rodrigo bago ito magtungo sa America. Fifteen years ago : "Alexandria," napapitlag siya nang tawagin siya ng pamilyar na boses na iyon. Naroon siya sa kanilang sala at naglalaro ng paborito niyang manika. Si Rodrigo na naman. Ang kulit-kulit talaga nito. Palagi itong lapit nang lapit kahit na sinabihan na niya ito nang ilang beses na huwag siyang lalapitan. Kung ano-ano ang sinasabi at kinukwento sa kanya kahit hindi niya ito pinapansin. Sa makatuwid kulang ito sa pansin. Nakabusangot na hinarap niya ito. "Ano na naman ang kailangan mo?" wika niya rito habang nakatingala. Nakasuot lamang ito ng sando a