Chapter 1

1627 Words
Ygo Kasalukuyan na nakaupo sa swivel chair n'ya si Ygo sa maliit n'yang office sa New York. Maliit lamang pero hindi rin biro ang kinikita n'ya. Isa na s'yang products specialist manager sa isang malaking kumpanya sa America. Kung iko-convert sa Philippine peso ang mga kinita n'ya sa loob ng labing-limang taon n'yang pagtatrabaho ay sobrang yaman na n'ya pagdating sa Pinas. Bukod pa roon ay nakabili na rin s'ya ng ilang lupain sa Pilipinas. Pagdating ng araw kasi ay gusto rin n'yang doon na magretiro upang mapalago na rin ang ilang lupa na nabili n'ya. Sa dami ng hirap na pinagdaanan n'ya ay talagang nagpursige s'ya nang magkaroon ng pagkakataon.  Hindi na s'ya nagpatumpik-tumpik pa. Nang maka-graduate sa kursong BS in Mechanical Engineering ay agad na s'yang nag-apply sa isang company sa America. Swerte naman na natanggap s'ya. Pinagbuti n'ya ang trabaho. Hanggang sa umunlad ang kakayahan n'ya kasabay ang promotion. At ngayon nga ay naabot na n'ya ang isa sa pinakamataas na posisyon sa kumpanya na iyon. Tunay nga na kapag may tiyaga, may nilaga. Isang kasabihan ng matatanda noon at nai-apply n'ya sa buhay n'ya. Pinagmamasdan n'ya ang kabuuan ng maliit n'yang office nang mag-ring ang cellphone n'ya. Ang kanyang ama- amahan na si Don Amado Salvador ang lumabas sa caller screen kaya naman agad n'ya itong sinagot. "Hello po, Papa?" nakasanayan na n'ya na tawagin itong Papa dahil iyon ang gusto nitong itawag nito sa kanya. "Iho, kumusta ka na?" "Okay naman po, Papa, kayo po kumusta na po?" nakangiti na sagot n'ya kay Don Amado. "Okay naman kami, Iho. Kaya lamang ay may hihilingin ako sa'yo." "Ano po iyon, Papa?" nagtataka n'yang tanong dito dahil hindi ito ang klase ng tao na hihingi ng pabor sa kanya. Kilala n'ya ito. Isa ito sa taong kilala n'yang matatag. "Hindi na'ko magpapaligoy-ligoy pa, Iho. Gusto ko sana na maikasal kayo ni Alexandria ko." "Pero bakit po, Papa?" tanong n'ya sa kabilang linya na kunot ang noo. "Rodrigo, baon ako sa utang, iilitin ng bangko ang hasyenda. Iyon na lamang ang tanging pinagkukunan namin ng ikabubuhay dahil naibenta ko na ang mga ibang lupain ko."  Mabilis na nakapag-isip si Rodrigo. "Kung iyon lamang naman po, Papa, ang problema ay mapapahiram ko kayo ng pantubos sa hasyenda at hindi n'yo po kailangan na bayaran," sincere na wika n'ya rito. "Hindi ito tungkol sa hasyenda lamang, Iho. Ikaw lamang ang gusto ko para kay Alexandria ko." Kahit sa telepono lamang n'ya ito nakakausap ay tila nakikita n'ya ang mukha nito. Hindi ito ang klase ng tao na nakikiusap. "Pero, Papa," protesta n'ya. "Iho, ngayon lamang ako humiling sa'yo. Sana huwag mo ako'ng ipahiya," mariin at maawtoridad nitong wika. "Sige po. Kailan n'yo po gustong idaos ang kasal?" saad n'ya. "Sa susunod na dalawang linggo, Rodrigo. Para maihanda lahat ng kailangan na ayusin para sa inyong kasal. Gusto ko na maikasal kayo sa simbahan. Nais ko na mabasbas kayo sa simbahan. Sapat na panahon na iyon para maayos mo ang mga dapat mo'ng ayusin d'yan." "Sige po, Papa. Darating po ako," magalang na sagot n'ya rito. "Mabuti kung ganoon, Iho. Kung may nais ka na idagdag sa guest list ay sabihin mo lamang. Pwede ka rin mamili ng gusto mo'ng best man. Sige, magpapaalam na'ko. Aasahan kita." Pinatay na ni Don Amado ang tawag. Napamaang s'ya. Hindi n'ya inaasahan ang bilis ng pangyayari. Hindi rin n'ya nagawang magprotesta kay Don Amado. Paano nga ba naman n'ya itong ipapahiya? Kung ito ang naging dahilan kung nasaan s'ya ngayon at kung sino s'ya ngayon? Ito rin ang gumastos sa pag-aaral n'ya rito sa America.  Nakilala n'ya ito sa isang restaurant na kinukuhanan n'ya ng kalakal mula sa basura noong s'ya ay sampung taong gulang pa lamang. Isa s'yang palaboy dati. Kasalukuyan s'ya noon na kumukuha ng kalakal sa basura na nasa gilid ng restaurant noon. Nakita n'ya na kumakain ang palagay n'ya ay mag-ama. Noong una ay nakaramdam s'ya ng inggit sa batang babae dahil asikaso ito ng kanyang ama habang kumakain. Napakasarap pagmasdan ng tagpo na nasaksihan n'ya na iyon. Nang tumayo na ang ama ng batang babae ay kitang-kita n'ya kung paano nahulog ang wallet nito na mula sa bulsa nito. Tapos ng kumain ang mga ito at marahil ay paalis na kaya naman mabilis na tinakbo n'ya ang wallet. Mabilis lamang naman s'yang nakapasok sa restaurant dahil open iyon. Walang anuman na harang ang naturang restaurant. Style garden ang tema ng restaurant. Halamanan lamang ang nagsisilbing bintana sa paligid at ang pinaka-entrance nito ay open. Agad n'yang kinuha at sinundan ang may-ari ng wallet. Tanaw n'ya na sasakay na ito sa kotse. Kaya naman agad-agad na binilisan n'ya ang takbo. Mabuti na lamang at mabagal pa ang patakbo sa kotse dahil kasalukuyan pa lamang na palabas ito sa parking ng naturang restaurant at may mangilan- ngilan pa na sasakyan na nauuna rito at kasalukuyan din na palabas. Sa wakas ay naabutan n'ya ito. Hinihingal man ay dali- dali n'yang kinatok ang bintana ng kotse at binuksan naman ito ng taong nakahulog ng pitaka. Akala siguro nito ay nanghihingi s'ya ng limos kaya naman pagbukas ng bintana nito ay agad na inaabutan na s'ya ng sampung piso na papel. Kulay brown pa ang kulay ng sampung piso noon at mataas pa rin ang halaga nito noon kaya naman marami ka ng mabibili sa halagang iniaabot sa kanya. Tunay na mabuti ang puso ni Don Amado. Sa kasalukuyan na panahon ngayon ay barya na lamang ang sampung piso. Sa halip na kunin n'ya ang inaabot nito ay pinakita n'ya ang wallet dito at sinabing, "Manong, naiwan n'yo po ang wallet n'yo kanina." Tila hindi makapaniwala ito na tumingin sa kanya at pagkuwan ay kinapkap pa muna nito ang bulsa. Nang masiguro nito na wala ang wallet sa bulsa ay kinuha nito sa kamay n'ya ang wallet. "Salamat, Iho," wika nito. "Walang anuman po," sagot n'ya at tumalikod na s'ya para balikan ang kanyang mga kalakal na iniwan n'ya kanina. Lingid sa kanyang kaalaman ay bumaba pala ito ng kotse at sinundan s'ya. Nasa likod na pala n'ya ito kaya pagharap n'ya ay kamuntikan pa s'yang mabangga rito. Napakataas nito, tantya n'ya ay nasa anim na pulgada. "Pasensya na po kayo," wika n'ya at tiningala ang nabangga n'ya. "Kayo po pala, Manong, pasensya na po kayo…" Nagsimula na s'yang maglakad pero tinawag s'ya nito. "Boy, sandali lang, ano'ng pangalan mo?" Humarap s'ya rito. "Ako po si Rodrigo, Manong." "Saan ka umuuwi?" Lumapit na ito sa kanya at sinabayan s'ya sa paglalakad. Wala s'yang maapuhap na sasabihin dito. Saan nga ba s'ya umuuwi? Kung saan kasi s'ya abutan ng dilim ay roon s'ya mahihiga. At kapag naman may mga pulis sa paligid na umiikot para manghuli ng mga batang pakalat-kalat sa daan ay kakaripas na s'ya ng takbo at magtatago. Minsan na s'yang nahuli ng pulis at dinala sa ampunan. Ayos naman sana ang trato ng mga madre sa pinagdalhan sa kanya na ampunan kaya lamang ay noong minsan na natutulog s'ya ay pinagtulungan s'ya ng mga kapwa bata n'ya sa ampunan. Binugbug s'ya ng mga ito, kung iyon nga ang angkop na salita sa ginawa sa kanya. Biktima s'ya ng bully. Napagsabihan naman ng madre ang grupo ng kabataan na gumawa sa kanya ng hindi maganda at pinarusahan. Subalit hindi roon natapos iyon dahil sa kabila noon ay naulit muli ang pag-bully sa kanya. Kaya naman noong minsan na nakaligtaan ng isang madre na isara ang gate ay dali-dali s'yang lumabas. Lakad at takbo ang ginawa n'ya upang agad ay makalayo s'ya sa ampunan. Kung saan-saan s'ya napadpad. Tunay na napakahirap ng pinagdaanan n'ya. Pati ang paghahanap ng makakain sa basura ay naranasan n'ya.  Nagsimula iyon nang mamatay ang kanyang Nanay. Nabangga ito ng isang kotse, minsan na ito ay magtinda ng inilalako nitong kakanin sa daan. Ang masaklap pa ay tinakbuhan ito ng nakabangga. Bago ito namatay sa ospital kung saan s'ya dinala ng may mabuting puso na nakasaksi sa nangyari ay nagawa pa nitong magsalita.  "Si Tiya Linda mo," wika nito habang naghihingalo at hawak nito ang mukha n'ya. Nang magsasalita pa sana ito ay bigla na lamang itong nalagutan ng hininga.  "Inay!" Pumalahaw talaga s'ya ng iyak habang nakahawak sa wala ng buhay na Nanay. Bakit kailangan mawala ang kaisa- isang taong nagmahal sa kanya? Tandang-tanda pa n'ya ang sakit na naramdaman n'ya noong araw na mawala ang kanyang Nanay. Ang Nanay lamang n'ya ang mayroon s'ya, nawala pa. Hanggang sa mailibing ito ay hindi pa rin n'ya lubos na mapaniwalaan ang bilis ng pangyayari. Simula nang mamatay ang kanyang Nanay ay sa Tiya Linda na s'ya nito tumira. Wala na s'yang Tatay dahil isang taon pa lamang daw s'ya ay namatay na ito. Napulmonya raw ito Ayon sa kanyang Nanay. Ibinenta ng Tiya Linda n'ya at ng kinakasama nito ang kanilang bahay. Katwiran nito ay wala naman na raw tumatao roon kaya sayang lamang daw at baka masira. Nang una ay mabait ito sa kanya. Ngunit hindi naglaon ay naging mainitin na ang ulo nito. Sa twina ay napagbubuntunan s'ya nito ng galit lalo na kapag natalo ito sa sugal. Lulon sa sugal ang kanyang Tiya at ang kinakasama nito. Kaya naman nabubugbug s'ya ng mga ito sa tuwing natatalo. Kaya naman noong minsan na utusan s'ya ng mga ito para mamalengke ay naisipan n'yang hindi na bumalik pa sa mga ito. Sumakay s'ya ng jeep na hindi n'ya alam kung saan patungo. Isa lamang ang nabuo sa isip n'ya nang mga panahon na iyon at iyon ay ang makalayo sa kanyang Tiya. Magmula noon ay namuhay s'ya sa kalye pero ayos lang naman sa kanya. Wala s'yang permanenteng nauuwian, basta roon lamang s'ya sa lansangan dahil mas naging panatag pa ang loob n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD