Alex : "Pero, akala ko ba ay pangit si Rodrigo? Tapos si Mr. Cimmaro ay gwapo? Paanong naging iisang tao sila?" lito ang isip na tanong ni Mika kay Alexandria. "Iyon na nga talaga ang ikinalito ko noong una, Best. Kung paano naging si Mr. Cimmaro si Rodrigo. Pero kanina nga lamang ay nalaman ko ang lahat." "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Ang totoong si Mr. Cimmaro ay ang kaibigan ni Rodrigo. Siya iyong matalik nitong kaibigan sa America at siya ang tatayong Best man sa kasal namin ni Rodrigo." "Oh, eh bakit iyong pangalan ng kaibigan ni Rodrigo ang ginamit niya sa club?" "Baka para itago ang kababalaghan na ginagawa niya." Ipinasya niyang magtungo sa kanyang kama. Parang bibigay kasi ang tuhod niya sa sunod-sunod na rebelasyon na hindi niya inaasahan. "So, si Rodrigo? Hindi ba sabi mo