3

1467 Words
After two months… "Happy birthday, Kinsley!" Masayang pagbati sa akin ni Victoria habang may hawak itong cake na may sindi ang kandila. "Wow, may pa-surprise ang gaga," natatawa ko na sabi habang tinitingnan siya pati na rin ang mga pagkain na in-order niya na nasa lamesa. "Blow your candle na lang, b***h!" Masungit na sabi nito kaya kahit natatawa ako ay nag-blow na ako ng candle kasabay ng wish ko sa isip ko. "Thanks! April 10 pala ngayon. Pati birthday ko makakalimutan ko na dahil sa pagkasubsob ko sa trabaho," sabi ko habang umuupo kami sa lamesa at inaayos ang mga pagkain na in-order niya. Um-order ito ng vegetarian pizza, doughnuts, lasagna at lechon manok. "Wow, ito ang cravings ko ngayon. Salamat, ah?" kinikilig ko na sabi bago nagsimulang kumain kasabay niya. "Alam ko mga gusto mong kainin lately kaya sige lang enjoy-in mo lang ang food dahil para talaga sa 'yo 'yan," sabi ni Victoria habang kumakain ito. "Oo nga pala. Ang parents mo bakit 'di mo inaya? Marami naman itong in-order mo at isa pa, eh, dalawa lang naman tayo," sabi ko sa kaniya habang kumakagat ako sa hita ng manok na kinuha ko. "Mga busy sila dahil may deliver ngayon. Hayaan mo na mag-take out na lang ako," sabi niya kaya tumango na lang ako dahil ang sarap talagang kumain. Habang kumakain kami ay nagkukuwentuhan kami at nagtatawanan na dalawa. Highschool pa lamang ako ay namatay na sila Mama at Papa dahil sa car accident. Tanging ang bahay lang na ito dito sa Maynila ang naiwan sa akin pati na rin ang bahay bakasiyunan namin sa Batangas. Hindi naman kami gano'n kayaman kaya kailangan kong magtrabaho para makaipon pang-business dahil ang naiwan sa akin na pera sa bangko ay ginamit ko sa pag-aaral. Ngayon ay tanging si Victoria lang ang palagi kong nakakasama pati na rin ang mga magulang niya. Halos dito na nga 'to tumira dahil wala raw akong kasama. Nang matapos kaming kumain ay may inabot ito sa akin na nakabalot sa gift wrap pero maliit lang na para bang nakalagay ito sa box. "Ano iyan?" tanong ko sa kaniya. "Gift ko iyan sa 'yo. Buksan mo para malaman mo," nakangisi nito na sabi. Para bang may kakaiba sa mga ngisi nito kaya kaagad kong binuksan ang binigay niyang regalo. Nagulat naman ako nang makita ang dalawang pregnancy test kit na naka-box kaya napatingin ako sa kaniya. "Don't tell me na buntis ka?" gulat na tanong ko sa kaniya. Bigla namang nagbago ang kaniyang reaksiyon at saka ako inirapan. "Shunga! Sa 'yo 'yan. Hindi pa naman ako nakikipag-s*x pero ikaw, oo," sabi nito na nakapagpatigil sa akin at nagpalakas ng kabog sa aking dibdib. "P-Pero…" "Dali na gamitin mo na. Saka ka na magpero-pero kapag nakita na natin ang result. So, need mo ng three drops diyan ng ihi mo as a sample tapos kapag two lines ibig sabihin positive. Kapag one line ibig sabihin negative," sabi nito habang pinapaliwanag sa akin ang instructions. "Sige, diyan ka lang!" Paalam ko sa kaniya bago nagtungo sa banyo para subukan ang dalawang pregnancy test kit na ito. Sinunod ko naman ang mga instructions at ngayon ay hinihintay ko na lamang ang result. Habang hinihintay ko ang result ay hindi ako mapakali sa kakaisip kung ano ang gagawin ko kung mag-positive ako. Nang makalipas ang ilang minuto ay dahan-dahan kong sinilip ang dalawang pregnancy test kit at halos lamunin ako ng kinatatayuan ko nang makita ang parehas na result. "Ang tagal mo naman diyan!" Nabigla ako sa pagsigaw ni Vic mula sa labas ng banyo kaya dali-dali akong lumabas at saka natataranta na tumingin sa kaniya. Mukha namang nahulaan niya ang naging resulta dahil sa reaksiyon ko kaya hindi niya na ako pinagsalita at siya na mismo ang tumingin sa dalawang pregnancy test kit. "Gosh! Buntis ka nga! Sabi na nga ba tama ako, eh. Ang alam ko kasi magkasunod lang tayong nireregla," sabi nito habang nakatingin sa dalawang pregnancy test kit. "Ano'ng gagawin ko, Vic?" Medyo naiiyak ko na tanong sa kaniya dahil sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung paano buhayin ang bata na nasa sinapupunan ko ngayon. Tiningnan ako ni Vic sa mga mata na walang panghuhusga kundi ang pag-unawa niya sa sitwasyon ko ngayon. "Alam ko. Pero, blessing ang batang 'yan. Hindi ka dapat malungkot o ano dahil inosente 'yan at walang kasalanan. Wala ka rin namang ginawang kasalanan. Be responsible lalo na at magkakaanak ka na," pagbibigay niya ng payo sa akin kaya niyakap ko siya nang mahigpit habang umiiyak. "Hindi ko alam, Vic. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako ready. Hindi ko alam kung paano ko siya aalagaan. Natatakot ako!" "Sssshhh, nandito lang ako. Huwag kang matakot," pagpapatahan nito sa akin habang hinahagod ako sa likod. Kumalas ako sa pagkakayakap at saka kami nagpunta sa sala para doon ipagpatuloy ang pag-uusap tungkol sa kalagayan ko. "Paano ko maibibigay sa kaniya ang lahat, Vic? Gayong walang-wala rin ako. Hindi ko na nga maibigay sa kaniya ang buong pamilya dahil bunga lang siya ng one night stand tapos ito lang ako. Hindi mayaman. Walang pera. Paano ko siya bubuhayin?" Naguguluhan ko na sabi sa kaniya. "Ano ka ba. Pagmamahal at pag-aalaga lang ay sapat na. Ano'ng gusto mo? Ipalaglag mo iyang bata?" "Hell no! Kasalanan 'yon, Vic. Alam mo na hindi ko magagawa iyan!" "Eh, 'yon naman pala, eh. Kaya tumahan ka na diyan at be thankful dahil iyan ang the best na regalong natanggap mo ngayong birthday mo," sabi nito sabay ngiti sa akin. Napangiti na rin ako dahil kahit papaano ay nabawasan ang pagwo-worry sa puso at isipan ko. "Salamat talaga, Vic. Mabuti na lang at nariyan ka," sabi ko sa kaniya. "Siyempre. That's what friends are for. Excited na akong mamili ng gamit ni baby, marinig ang heartbeat niya at malaman ang gender niya!" Kinikilig na sabi nito. "Parang ikaw ang tatay, ah?" Pagbibiro ko sa kaniya. "Hays! Kung sana nga lang ako ang tatay niyan, eh. Pero, tita ninang niya ako kaya simula ngayon dapat maingat ka na at alagaan mo ang sarili mo," sabi niya sa akin kasabay nang paghawak niya sa tiyan ko. "Hi, baby. Huwag mong pahirapan si Mommy mo, ah? Be healthy!" Pagkausap nito sa batang dinadala ko sa aking sinapupunan na ikinatuwa ko. "Oo nga pala. Paano ang trabaho ko? May contract pa naman ako kay boss na hindi puwedeng magtrabaho sa kaniya ng buntis," medyo nabahala ko na namang sabi kay Vic. Tinanggal ni Vic ang kamay niya sa tiyan ko at saka nag-crossed arms. "Tanggalin mo nga 'yang worry mo sa isip mo. Isipin mo anak mo at ang magagandang bagay para hindi ka ma-stress. Eh, 'di kung 'di ka na puwede mag-work don dahil buntis ka, eh, sa shop ko na lang ikaw mag-work. Atlis nakikita kita 'di ba?" Nakangiting sabi nito kaya napaisip ako sa alok niya. "Sabagay may punto ka. At saka baka mahirapan ako mag-apply sa iba dahil nagpapa-medical sila bilang requirement," pag-sang ayon ko sa sinabi niya. "Oh, siya. Mag take out na ako. Balik ako rito mamaya. Check ko lang 'yong shop. Magpahinga ka na, ah? Huwag ka nang magpagod. Ako na lang din ang maghugas ng pinagkainan natin tutal birthday mo naman," sabi nito sa akin bago kumuha ng mga tupperware at magbalot ng mga pagkain. "Sige, sulitin ko na iyang kasipagan mo. Kadalasan kasi ang kalat mo dito sa bahay," pagbibiro ko sa kaniya kaya inirapan niya ako habang tinatawanan ko naman siya. "Ito na nga, Madam!" Nang matapos itong magbalot ay nagpaalam muna siya na aalis kaya pumunta na ako sa kuwarto ko para magpahinga. Nakahiga lang ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame. Iniisip ko lang kung ano ang magiging itsura ng anak ko. At paano kung magtagpo ang landas namin ng tatay nito? Sasabihin ko ba sa kaniya na may anak kami o mananahimik na lang ako? Tss. Bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon. Malay ko na baka playboy iyon o kaya naman ay may asawa na. Kinapa ko ang tiyan ko gamit ang dalawa kong kamay at saka hinimas-himas iyon para kausapin si baby. "Mahal, pasensya ka na, ah! Ngayon pa lang humihingi na ako ng sorry dahil wala kang tatay. Hayaan mo gagawin ko ang lahat para maibigay ko sa 'yo ang lahat ng pangangailangan mo. Huwag mo lang akong pahirapan, ha?" Nakangiti ko na sabi. Kung kanina ay natatakot ako. Ngayon naman ay na-e-excite ako dahil may buhay na nasa loob ng sinapupunan ko. Ano kaya ang feeling kapag lumabas na ang bata na 'to? Ang sarap siguro talaga sa pakiramdam dahil sa wakas mayroon na akong tatawaging anak. Nakakakaba pero iyong iba naman kinakaya, eh. Kaya naniniwala ako na kakayanin ko ang lahat para sa batang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD