** True colors **SHANNON'S POV** I already talked to him about the annulment and I was surprised when he just accepted the papers without any hesitation and questionings. He just told me that he'll think about signing it without me intervening on his decision and that's what I'm doing right now. I also talked to Jess about that matter at sinabi naman nito na ayus lang iyon as long as makukuha ko itong papirmahin. "Hija, wala ka sa sarili mo, may problema ka ba?" Biglang tanong ni manang na kasalukuyan kong tinutulungan sa paghahanda ng pananghalian. Medyo preoccupied kasi ko ngayon dala na rin ng ilang usapin patungkol sa mga issues ng buhay ko. "Wala po ito manang, wag niyo nalang po akong alalahanin, may iniisip lang po ako." Tugon ko dito. Nakita ko namang napabuntong hininga ito.

