Episode 17

1541 Words
WARNING: This chapter contains sensitive scene and only for mature readers. Expect grammatical errors, Spelling and typos. MATURE CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! Nasa harap kami ng operating room hinihintay kung kailan lalabas ang doctor sa nag oopera kay Alfred, halos dalawa't kalahating oras din ang nakalipas, maya maya pa ay biglang may nag bukas ng pintuan. Isa sa mga doctor na nag opera kay Alfred, agad kaming nag tinginan ng mga anak ko at dali dali namin siyang nilapitan. " Sino ang pamilya ni Alfred?" malumanay na tanong ng doktor. " Dok. ako po ang asawa. saad ko " Kami po dok".sabay naman ang sagot ng kambal. Tahimik kaming lahat at para bang nag hihintayan kung sino ang unang magsasalita. Hindi ko mabasa ang emosyon ng doctor sapagkat hindi siya makatingin sa aming mga mata, nakayuko lamang ito at para bang may masamang nangyari. "D Dok, kumusta ang asawa ko?" nauutal na tanong ko. "Mrs. Ikinalulungkot ko ngunit nag kalat na ang kanser sa kanyang katawan at nalason na ito sa may parteng apektado ng katawan niya. Successful ang aming operasyon. Ngunit bumigay ang kanyan katawan." Saad ng doctor habang nag sasalita humahagulhol kami ng mga anak ko sa narinig namin. Gumuho ang mundo ko at halos pinagsakloban ng langit at lupa sa aking mga narinig. Nanginginig ang aking kalamnan at nanigas ang aking katawan, hindi ako makapag salita at unti unting dumidilim ang aking paningin. Allen's POV Agad namin binigyan ng paunang lunas ang aming ina, hinimatay siya nang narinig niyang wala na si dada Alfred. Pati ako wala na rin ako sa sariling mundo ko noong narinig ko ang malungkot na balita sa akin ng doctor ngunit kailangan kung mag pakatatag, yun ang sabi ni dada ako ang mag poprotekta sa aking nanay at sa aking kambal. Narinig ko si Alex na humahagulhol ganoon man din ang aking pakiramdam, ngunit nang nakita ko na pinanghinaan ng loob si nanay narealise ko na kailangan nila ako. Umiiyak ako ng patago. Nasa tabi lang kami ni nanay, ilang saglit pa nag kamalay na rin ang nanay kung kaya pinakain ko muna siya ng mainit na soupas. Ngunit walang gana ang aking inay. " Nak"! saad ni nanay, agad ko naman itong dinalohan. "Nay! kumusta po kayo?" tanong ko sa kanya. "Gusto kung makita ang dada ninyo." saad ni nanay habang umiiyak. Mahina pa rin si nanay, sabi ng doktor kailangan pa niya ng pahinga para makarecover ang kanyang katawan, medyo mahina pa si nanay dahil buong araw walang tulog. Ngunit dahil sa kagustohan niya puntahan namin kung saan nanatili ang katawan ni dada, malinis na ito at habang hindi pa nakasilid sa kabaong niyakap ng niyakap ni nanay ang kanyang katawan hindi ko maintindihan ang aking pakiramdam kung kaya niyakap ko ng mahigpit si nanay at pinatigil sa kanyang ginawa. "Nay tumigil na, mas lalong malulungkot si dada kapag nakikita niyang ganyan kayo?" saad ko habang nag tatapang tapangan sa harap ni nanay. " Nak! siya ang sumagip sa akin noong mga panahon na lugmok ako sa lusak, binihisan niya ako, pinaaral at inahon niya ako sa lahat. Ano sa palagay mo mararamdaman ko Allen, maging kalmado na katulad mo huhhhh!!!" galit na saad ni nanay. Sinubukan ko parin maging matapang at wag maiyak sa harapan ni nanay. ngunit hindi ko na maintindihan ang pakiramdam ko, kung kaya nasagot ko si nanay ng hindi ko namalayan na ikakasakit ng kanyang damdamin ang aking sinasabi. " Nay! sinubukan kung mag tapang tapangan sa mga nangyayari sa atin ngayon dahil yan ang bilin sa akin ng dada na wag ko kayong pababayaan at ako ang mag poprotekta sa inyo ng kambal ko, nay totoong ama ang turing namin sa kanya at pinaramdam din niya sa amin ang tunay na pag mamahal ng isang ama na ni minsan hindi namin naramdaman." Humahagulhol na saad ko kay nanay. "Tama na po iyan, mas lalong hindi matatahimik si dada kung nag aaway away tayo." saad ni Alex. Doon ko na realize na mali ang nasabi ko sa aking ina kung kaya dinaluhan ko siya at niyakap ng mahigpit. " Nay! patawarin mo po ako hindi ko po sinasadya, hindi ko po dapat sinabi yun sa inyo sigurado magagalit si dada kung nabubuhay pa siya." malungkot na saad ko. "Nak! ako ang patawarin mo, pag pasensiyahan mo na si nanay nak, hindi ko sinasadyang saktan ang damdamin mo." saad ni nanay. Nanay's POV PANGATLONG araw na ngayon simula noong nawala si Alfred ang lungkot ng buhay kung wala siya. Ang kaisa isang lalaki na minahal ko ang lalaking bumuo ng buhay ko at siya ang nag sisilbing gabay sa araw araw na ako ay nabubuhay sa mundong ibabaw. Hindi ko alam kung paanu ang susunod ko na mga araw kung wala siya.Ilang beses ko siyang nakikita sa aking panaginip, ilang beses ko rin po siyang naramdaman sa aming silid. Alam ko nandito lang siya alam ko kasama ko pa rin siya. TATLONG araw na rin hindi ako lumalabas ng kuarto, hindi kumakain kahit anong pilit sa akin ng mga anak ko at ng mga kasamahan namin sa mansion kahit ung bestfriend ko umuwi dahil sa nangyari sa akin. " Beshy, pwede ba ako pumasok? baka gusto mo may makausap kausapin mo naman ako." saad ng kaibigan ko. " Hindi na, hayaan mo muna ako makapag isa," ani ko naman sa kanya. "Pero beshy, baka ikaw naman ang mag kasakit niyan, nag aalala kaming lahat sayo, pati ang kambal, kahapon may lagnat si Alex, pero okay na siya ngayon, dinala na namin siya sa ospital." mahabang litanya ng kaibigan ko. Nagulat ako sa kanyang sinabi, ngunit binalewala ko ang lahat ng iyon, dahil hindi ko pa tanggap at hindi pa maalis ang sakit na aking nadarama sa pag kawala ni Alfred. Hindi ko binuksan ang pintuan at hindi ko na maramdaman ang kaibigan ko sa tapat ng pintuan sa aming silid ni Alfred. Nang hindi ko namalayang nakatulog pala ako. "Alex! Alex! Gumising ka ayaw kung pati ikaw mawala ka sa akin, mahal na mahal kita anak, pakiusap! paanu na ako? hindi pa ako nakarecover sa pag kawala ng dada mo, pati ba naman ikaw? Alfred? Alfred ikaw ba yan? buhay ka.! ALFRED: isasama si Alex sa malayong lugar wag kang mag alala babalik kaming dalawa at mag kikita tayo sa susunod na mga araw. Alfred no! stay with me ayaw kong mawalay ka pa sa akin, nakikiusap ako sayo PLEASE! bumalik ka!!!!!!!!Gumising ka! gumising ka! kailangan ka ng mga anak mo, wag mo silang pababayaan, wag mong hayaan na maparewara ang mga buhay nila, sila ang nag bibigay liwanag sa madilim mo at magulo mong mundo, Tay!!!!!!!! Nagising ako sa mahaba kung panaginip, bumangon agad ako para puntahan ang kambal ko, sa kanilang kuarto at nakita ko silang tulog si Alex naman binabantayan ng kaibigan ko. Napapaluha ako dahil hindi ko na alam kung kailan ko sila huling nakausap at nayakap. "Ohh beshy?" nagugutom ka ba? saad ng nagising kung kaibigan. "Beshy gusto kung kumain." saad ko naman. " S sige halika beshy, tawagin ko lang ang isang katulong para may katabi si Alex, nilalagnat pa rin aiya." ani ng kaibigan ko. "K kumusta na ang mga anak ko?" nauutal na tanong ko sa kanya. Isang buwan din akong nag kulong sa kuarto at napabayaan ko na rin ang mga kliyente ko, pati mga anak ko at ang mga taong nag bibigay halaga sa akin. Ngayon lang ako nakakain ng kanin kasi puro tubig lang ang iniinom ko, kung kaya halos buto't balat na ako. "Beshy mamaya na natin pag uusapan yan kumain ka muna ng maayos para makabawi ka ng lakas." saad ng kaibigan ko. Napakalaki ng utang na loob ko sa beshy dahil napabayaan na din niya ang trabaho niya dahil sa akin, siya ang nag silbing ako noong mga panahon na wala ako, tunay ngang siya ay kaibigan. Habang kumakain ako madami siyang naikwento sa akin, nakuha ang atention ko sa kwento niyang si Alex at sa tatlong abogado na nag punta dito sa bahay. At si Alex naman ay pabalik balik ang kanyang lagnat. Nagpasalamat ako sa aking kaibigan sapagkat hindi niya pinabayaan ang aking kambal. Pag katapos kung kumain inayos ko ang aking sarili at doon kami ng kaibigan ko natulog sa silid ng aking kambal. Kinabukasan pinaaus ko ang aming silid ni Alfred upang mag mukhang presko, sabi ko sa aking sarili babawi ako sa aking mga anak sa pag kukulang ko sa kanila. Bumalik ako sa aking trabaho at sa ikatlong araw pumunta ang abogado ni Alfred sa bahay at nakasaad doon na ang lahat ng kanyang ari-arian ay mapupunta sa pangalan ko at sa mga anak ko. Hindi ako makapaniwala na hindi lang pala milyones ang yaman ni Alfred. Isa siyang bilyonaryo at dahil wala na siyang kamag anak dito at kami na lamang ang tinuring niyang kamag anak kung kaya nasa kambal mapupunta ang lahat ng kanyang kayamanan. Napag alaman ko rin na mayroon siyang ibinigay na mana sa mga katulong niya na matagal din nanilbihan sa kanya. Tunay nga ang kanyang kabaitan at pag mamalasakit sa mga taong naka paligid at lalo na sa mga taong naging malapit sa kanya kahit hindi naman niya kaano-ano
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD