Franchesca
Lumipas ang mga araw, dumating ang araw ng graduation namin. Sabi ni Kevin, ito ang pinaka ayaw nyang araw na dumating. Pagkatapos kasi ng graduation, lilipad na sila papuntang US. Dun na magtatapos ng kolehiyo at maninirahan. Naka schedule na rin ang flight nila kaya naman masamang masama ang loob nya sa araw na to.
"Kevin" katok ko sa kwarto nya.
"Kevin halika na, ma-la-late na tayo sa Graduation" tugon ko
"Ayoko ngang umattend" Paangil naman nyang sagot
"Hindi pwede, ikaw ang Class Valedictorian, magsasalita ka dun sa stage. Na prepare mo na ba ang speech mo?" tanong kong muli dito habang patuloy sa pagkatok. Ngunit walang sagot na nanggaling sa loob kaya naman nagdesisyon na akong kunin ang spare key nila kay Ate Cathy.
Nang mabuksan ko ang pinto nito, natunghayan kong nakadapa ito at wala pang kaayos ayos. nakatalukbong ang unan sa mga tenga nya. Nilapitan ko siya upang pilitin itong bumangon. Tinangka kong tanggalin ang unan sa mga tenga nya ngunit nakipagmatigasan pa ito sa akin
"Kevin, halika na, tumayo kana dyan" Pamimilit ko sa kanya.
"Hindi nga ako aattend" damang dama ko ang bigat sa kalooban nito. Tumayo ako sa harap. nya, matagal ko syang tinitigan lang. Bakas sa mga kilos nito ang hirap at pagtutol sa gagawin niya kaya naman nilapitan ko ito. Niyakap. Hinayaan ko lang ang sarili kong nakayakap sa kanya. Aminado din naman ako na hindi rin magiging madali sa akin ang pag alis niya. Isa din ako sa pinaka malulungkot sa isiping lilisan na siya ng bansa at maninirahan sa ibang lugar.
Nanatili lang akong nakayakap nang maramdaman kong tinutugon din nya ang mga yakap ko. Unti unti na rin niyang tinanggal ang nakatakip na unan sa mukha nito saka ako nilingon. Tinignan ko lang sya, gayundin sya sa akin. Walang nagsalita sa amin, nanatili lang kaming nakatingin sa isa't isa. Kinakabisado ko ang bawat sulok ng mukha nya. Ang noo, pisngi, ilong, kilay, maging ang hulma ng kanyang panga, at mapupungay nyang mga mata na bakas na bakas mo ang lungkot at paghihirap dito. Hanggang sa mapadako ako sa kanyang labi, ang kanyang mapupulang labi, isabay pa ang pagiging manipis lang nito kaya nakadagdag sa atraksyon sa pigura nyang gwapo.
"Pwede bang dito na lang tayo? Wag na tayo umalis?" siyang basag niya sa katahimikan naming dalawa.
"Kailangan mong umattend, kailangan natin umattend sa graduation." muling pagpupumilit ko dito.
"Aattend ako pero pwede bang makasama kita pagkatapos? Gusto ko tayong dalawa lang."
Saka ako bumangon, hila hila ko na rin sya "Sige basta umattend ka ngayon." sa wakas ay napilit ko na rin ito. Mabilis siyang kumilos, naligo at nagbihis. ako naman ay nasa sala hinihintay lamang sya. Nang makalabas siya sa kwarto, agad akong tumayo upang salubungin sya. Paglapit niya sa akin, hinawakan niya ako sa kamay. Magkasalikop ang aming mga palad nang lumabas kami sa kanilang bahay. Sumakay kami sa sasakyan niya saka sinundo ang Inay sa bahay upang makasama.
Habang nasa biyahe, nanatili lang siyang nakahawak sa mga kamay ko. Hindi umiimik. Pinakikiramdaman ko lamang siya.
Nang makarating na kami sa graduation venue namin ay nagsisimula na ang pag martya. Agad kaming nakisali dito. Tinitignan tignan ko si Kevin ni hindi man lang ito mangiti. Masamang masama talaga ang loob. Tinawag siya sa harapan upang mag speech, He thank this school for being part of his journey and her classmates too nang biglang mag tama ang mga mata namin
"And most of all, for the women i truly love. Thank you. Hintayin mo ako, please. Babalikan kita and by the time i come back, pangako, ikaw pa rin ang laman nitong puso ko. I love you so much" saka naghiyawan ang mga batchmates namin. Namula naman ang pisngi ko sa pagkapahiya? sa kilig? I don't know, mix emotions eh hanggang sa makarinig ako ng tili, nilingon ko ang gawi na iyon, it's Joy, kilig na kilig.
"Aaayyyy diba nakita nyo, sa akin siya nakatingin. He's inlove with me oh my God ahhhhhh" tugon niya sa mga kaibigan niyang katabi rin niya sa upuan.
siniko naman ako ni Jenny na katabi ko pa rin sa upuan "Hoy oh, kilig na kilig si Joy, hindi ka ba nagseselos?" tanong nito sa akin
"Bakit naman ako mag seselos?" sagot ko naman dito
"Ayan na siya, ayan na siya" napalingon ako sa nagsasalita, it's Joy again. Sinundan ko ang tingin niya, nakita ko si Kevin na papunta sa gawi namin. Nagtama ang mga mata namin saka siya ngumiti.
Nang makalapit na siya sa pwesto ko bigla niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi saka ako ginawaran ng banayad na halik sa labi. Napapikit ako, nawala ang pagiimbot o selos na nadarama ko kanina.
"I love you" usal niya saka kumindat at umalis.
Naiwan akong nakatulala lang habang sinusundan ang pigura niya. Nabawi lang ang ulirat ko nang sikuhin ako bigla ni Jenny
"Akala ko magkaibigan lang kayo? Magjowa na ba kayo ni Kevin?" tanong nito sa akin. Hindi ko maintindihan kung mahihiya ba ako sa ginawa niya pero nang magawi ako sa pwesto nila Joy at nakita ko ang mga mata nitong nanlilisik, umayos ako ng upo at taas noong sinabi na "Oo, boyfriend ko siya." kahit alam ko namang hindi pa kami official. Nainis lang ako sa itsura ni Joy kaya nakursunadahan ko lang ding asarin pa ito. Nakita ko rin ang pag-irap nito kaya naman bumalik na ang tingin ko sa stage.
Natapos ang graduation namin, agad na lumapit si Kevin sa akin. Hinawakan akong muli sa kamay at inaya nang umuwi
"Diretso tayo sa bahay ah, nagluto sila Nanay, celebration daw ng graduation natin tsaka para sayo din dahil valedictorian ka" sabi ko kay Kevin habang naglalakad kami papunta sa parents area.
"Ok hon, your the boss" saka hinalikan pa ang kamay kong hawak hawak nya.
Hinampas ko naman ito sa braso dahilan upang mapa aray ito "Hoy ikaw ah, nakakarami ka na. Panay halik ka bakit nanligaw kaba? boyfriend ba kita?" sabi ko naman dito
"Eh di manliligaw, sasagutin mo rin naman ako eh" confident niyang sagot sa akin.
"Kapal mo" saka matalim ko itong tinignan ngunit siya ay matamis na ngiti ang sinukli sa akin. Hays alam kong magiging mahirap para sa ating dalawa na magkalayo sa isa't isa pero sana kayanin natin Kevin. Usal kona lang sa sarili habang naglalakad kami.