Franchesca Lumipas ang mga araw hanggang sumapit ng buwan. Nagsimulang maging normal ang araw araw sa buhay ko. Nagsimula na rin ang bagong school year kaya naging abala na ako sa trabaho. Paminsan minsan ay bumibisita si Kevin sa bahay, pasalamat na lang at nagagawa ko itong maiwasan. Hindi naman ito umaangal, sa tingin ko ay naiintindihan rin nito ang sitwasyon ko. Simula rin ng mangyari ang aksidente, si Chester ay halos araw araw akong ihatid sa trabaho at sunduin. Madalas din ang pagtawag nito upang masigurong safe ako. Araw ng biyernes ngayon, walang masyadong ginagawa sa school. Kaya naman during lunch, napagdesisyunan naming magkakaibigan na mag videocall. Medyo matagal tagal na rin kasi kaming hindi nagkikita kita. "Hoy mga bakla, pumunta kayo sa birthday ko ah" sabi ni Sander

