Chapter 2

1001 Words
Franchesca Araw araw ako sinusundo ni Kevin. Walang palya mula ng pumasok kami ng High School. Madalas kaming pagkamalang mag pinsan na minsan kinaiinis ko 'Bakit pinsan, hindi ba pwedeng mag jowa' tanong ko pa sa sarili. Nasanay na rin akong kasabay sya mag break parati. Halos wala na akong ibang kaibigang babae dahil palaging sya lang ang kasama ko sa school. Nababakante lang ako kapag natyempong may practice sya ng basketball. Ngunit ngayong araw na to, wala si Kevin. Absent sya. Nag text sya sa akin na hindi sya makakapasok. May kailangan daw silang asikasuhin ng tiyahin nya. Kaya naman mag isa lang akong pumasok. Nakakapanibago. Habang naglalakad ako, may biglang tinig ng babae ang tumawag sa pangalan ko. Pag lingon ko, si Joy pala yun, palapit sa akin. "Hi Chesca. Si Kevin nasaan?" tanong nya "Absent sya bakit?" masungit kong sagot naman sa kanya "Ah wala naman, may itatanong lang sana ako sa kanya" sabi naman nito "Ah itext mo na lang" sagot ko. Nang papatalikod na ako, bigla kong naalala ang tsinismis ni Jenny sa akin. Saka ko sya muling hinarap "Boyfriend mo na ba si Kevin?" tanong ko dito Napayuko sya at parang nahihiya pang tumango "Ahh, kailan pa?" tanong ko ulit. Ngunit alam kong may halo nang sakit. "1 week ago pa lang" sabi naman nito "Ah ok, totoo pala ang balita na nakarating sa akin. Wala kasing nababanggit si Kevin sa akin eh. Sige text mo na lang sya, bye." ngumiti ako saka ko sya tinalikuran. May masakit akong nararamdaman dito sa puso ko. Halo halong sakit siguro. Una, nalaman ko kay Joy na sila na nga ni Kevin at pangalawa, ni hindi man lang nya sinabi ni Kevin sa akin na girlfriend na nya si Joy. Bakit niya nililihim sa akin eh halos ako lahat ng sikreto ko nasabi ko na sa kanya. Napaka unfair niya naman sa part na yun? Nakakainis talaga siya. Habang nagka klase kami, malalim akong nagiisip sa nalaman ko, minsan pang patingin tingin ako sa gawi ni Joy. Mabuti na nga lang at hindi ako nito napapansin. Matagal akong nakatitig lang sa pisara na blanko ang isip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Incoming text tone... Kevin: Goodmorning Love, pakisabi naman kay Coach Flores, hindi ako makakapag practice mamaya. Masama ang pakiramdam ko eh. Thank you. Ingat ka pag uwi. Miss you! Hmmp miss you daw. Siguro kay Joy 'i love you' naman ang text niya. Me: Bat hindi mo kay Joy ipasabi? Kevin: Bakit ko naman sya ite text? May sakit na nga ako, inaaway mo pa ako. Na miss na nga kita eh :'(" sinamahan pa nito ng sad emoji.' Nakakainis' sabi ng isip ko Me: Oo na, pagaling ka. Kevin: Daan ka dito paguwi mo. Please Kevin: Pleasseeee Kevin: Plsssssss Sunod sunod ang text na puro' Please' lang naman ang sinasabi Me: Oo na oo na, tumigil ka na andito pa si teacher baka mahuli ako. Kevin: Yehey! Ingat ka paguwi "Ms. Fernandez, oras ng klase tigilan mo ang cellphone" baling sa akin ng teacher namin habang nasa table nya ito sa unahan. Sa gulat ko naman ay halos maihagis ko ang cellphone ko. "Sorry po sir" nang tangkang itatago ko na ang cellphone ko, muli itong tumunog. Kevin: Galit kaba Love? Kevin: Chesca.... Kevin: Franchesca.... Kevin: Love sorry na. Sunod sunod na text ang natanggap ko mula kay Kevin. Nagtataka naman ako kung bakit ganito ang text niya nang mag back read ako, nakita kong may reply pala ako ng 'Mad Emoji'. Imbis na replyan, natawa lang ako saka nilagay sa silent mode at cellphone ko at tinago sa bag. Mamaya ko na lang ipapaliwanag ang reply ko pagpunta ko sa kanila. Dumating ang oras ng uwian, dumaan ako kay Coach Flores upang ipaalam na hindi makakapag practice si Kevin ngayon dahil sa karamdaman nito. Nakausap ko naman sya saka ako umuwi. Dumaan muna ako sandali sa palengke upang makabili ng konting prutas para kay Kevin saka dumiretso na sa bahay nila. Nang makarating ako sa bahay nila Kevin, Sumalubong sa akin ang kasambahay nila. Iniabot ko ang dala kong prutas para maisalin sa lalagyan. Tinuro naman ako ni Ate Pearl sa kwarto ni Kevin at pinapapunta na niya ako doon kaya naman umakyat na rin ako. Kumatok muna ako pero walang sumagot, siguro ay natutulog. Kumatok ako ulit pero wala talagang sumasagot kaya naman nag desisyon na akong pumasok. Hindi na rin naman iba dahil matagal naman na akong labas pasok sa bahay nila maging sa kwarto ni Kevin. Binuksan ko ang pinto saka ko nabungarang nakatalukbong ito ng kumot at tila nangangatog. Pinagmasdan kong maigi kung tama ba ang naisip kong nangangatog siya ngunit sinamahan pa nito ng mahinang pagungol kaya naman dali dali ko syang pinuntahan saka niyakap. "Kevin, ang init init mo ah. Asan ba ang ate mo? dadalhin ka na namin sa ospital" alalang alala ako sa kanya. Hinawakan ko ang noo nito saka ko naramdamang napakainit nito na para bang mapapaso ka. Habang sya ay patuloy pa rin sa panginginig. Nang makita kong bukas ang aircon, pinatay ko ito saka bumalik sa kama nya at niyakap sya. Naramdaman ko rin ang kamay nyang humawak sa kamay ko. Mahigpit nya akong hinawakan at patuloy pa rin sa panginging. Hindi ko na malaman ang gagawin ko kaya naman tinabihan ko na sya sa kama. I know body heat can help kaya naman niyakap ko ito upang mabawasan ang pag chi chill nya. "Ssshhh andito na ako" sabi ko "Ano bang nangyari sayo, nilagnat kang bigla" sobrang pagaalala kong tinanong sya. Ngunit patuloy pa rin sya sa panginginig. Hinigpitan ko pa ang yakap ko hanggang sa unti unti tumitigil na rin sya. akmang tatayo na sana ako nang pigilan ako ng mga kamay nya kaya naman nanatili akong nakayakap sa kanya "Dito ka lang" halos paos na pagsasalita nito sa akin. Tinanguan ko na lamang sya at niyakap. Hindi ko na namalayan, nakatulog na pala ako. Nakatulog na nakayakap kay Kevin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD