Kevin Lumabas ang resulta ng DNA Test sa anak ni Joy at sa akin, tila gumuho ang mundo ko ng mabasa ko ang salitang 'POSITIVE'. Wala na akong ibang naisip nung mga sandaling iyon kung hindi si Chesca at ang mga pangarap namin at pangarap ko para sa kanya. Nawalan ako ng gana sa buhay, nawalan ako ng gana mabuhay. Hanggang sa gumaling ako at nakalabas sa Mental Institution na pinagdalhan sa akin ng Mama ko. Tinapos ko ang Licensure Exam uoang maging ganap na Surgeon. Nagtrabaho ako sa ospital dito sa Amerika ngunit ang puso at isip ko ay na kay Chesca. "Anak, nakita ko kung gaano mo kamahal si Chesca, ano pa ang hinihintay mo? Ipaglaban mo siya." isang araw sabi ng aking ina habang nagpapahinga ako sa bahay. "May iba na siya, Ma" sagot ko dito "Kung malalaman niya ang nangyari sa inyo

