Chapter 9

1414 Words
Franchesca Ilang oras ang lumipas ng makaalis si Kevin patungong US. Agad nga itong nag videocall pagkadating pa lang nito sa kanila. Kahit na madaling araw dito sa pilipinas ay sinagot ko pa rin iyon dahil iyon ang unang araw na magkalayo kami sa isa't isa. Sa mga araw na nagdaan, palagi kaming nagpapalitan ng mensahe. Madalas rin ako napupuyat dahil sa pagvi-video call namin, advance  ng 13 hours sa kanila kaya naman puyatan talaga. Lumipas ang mga araw, hanggang ito'y maging buwan, naging maayos naman ang relasyon namin ni Kevin. Nagsisimula na rin akong mag asikaso ng mga requirements ko para sa pagpasok ko sa kolehiyo maging siya doon. Kumuha ako ng kursong Education habang siya naman ay kumuha ng kursong General Surgery. Naging abala kami sa pagaasikaso sa papasok na school year. Siya naman ay sobrang laking adjustment dahil sa bagong environment doon sa bahay man o sa eskwela. "Grabe hon, nacu-culture shock ako dito. Nahihirapan ako talaga mag adjust" sumbong nito sa akin. Magka videocall kami ngayong gabi, sa kanila ay umaga. "Masasanay ka rin niyan. Papasok ka na ba?" tanong ko dito. Ito ang unang araw ng klase niya. samantalagang ako ay sa susunod na linggo pa. "Oo hon, on the way to school na. Magda drive lang ako ah, message ako pag dating ko ng school. I love you hon, wag ka papalipas ng pagkain ah" "Sige hon, ingat ka. I love you too Kevin" saka ko ibinaba ang tawag. Naghahanda na rin ako sa pagtulog ng maka receive ako ng text mula sa kaibigan kong si Jenny Jenny: Chesca, samahan mo naman ako bukas, mamimili ako ng gamit para sa school at tsaka sapatos na din. Please.. wala akong kasama eh. Me: Anong oras ba? Jenny: Mga 10am, sunduin na lang kita. Me: Ok sige. Hintayin kita bukas. Jenny: Ok goodnight friend, see you! Maya maya'y naka receive naman ako ng chat galing kay Kevin. Kevin: Hon, nasa school na ako. Pahinga ka na ah. Goodnight I Love you so much. Miss you Me: Ok, take care hon, i miss you too. Goodnight Saka ko pinatay ang cellphone at natulog. Kinabukasan, dumating si Jenny upang sunduin ako. Pumunta kami sa mall para mamili. Namili na rin ako ng ilang gagamitin sa pagpasok ng school year. Habang namimili kami, siniko ako ni Jenny "Chesca, si Joy yun diba?" sabi nito. Nilingon ko naman ang gawi ng itinuturo niya. "Oo siya nga." kibit balikat lamang ako saka muling bumalik sa pamimili "Sa US na daw yan mag aaral sabi ng kaibigan niyang si Liza eh" muling sabi ni Jenny sa akin. Napakunot noo naman ako at tumingin dito. "Talaga? Saan daw?" tanong ko "Hindi ko rin alam eh, gusto mo lapitan natin siya? tanong natin?" patango tango pang aya nitong si Jenny sa akin. "Ay ayoko nga, nakakahiya. Hayaan mo na siya, lika na kain na tayo. Nagugutom na ako" saka ko ito hinila palabas ng shop. Ngunit habang naglalakad ay saka ako napaisip kung saan kaya ito sa US mamamalagi. Nang makapamili kami ni Jenny ng mga kakailanganin sa school, saka namin napagpasyahan nang umuwi. Hinatid din naman ako ni Jenny, may sasakyan naman sila at may driver pa siya kaya hindi na ako tumanggi. Parehas din kami ng kurso ni Jenny na ita take kaya mabuti at may kakilala na ako sa klase. "Bukas ah, sabay na tayo kumuha ng ID" pahabol nito sa akin. "Sige, sa school na tayo magkita. Ingat kayo. Salamat sa paghatid" saka nagpaalam na dito. Pagkapasok ko sa bahay nadatnan ko si Inay na nagluluto ng Hapunan namin habang wala pa ang Itay na nasa trabaho pa. "Nay, dito na po ako" bati ko sa nanay habang palapit sa kanya at nag mano. "Oh anak, kamusta? nakapamili ka ba?" tanong nito sa akin. "Opo nay" sagot ko naman habang inilalapag ang mga napamili ko sa may center table. Saka inayos "Lilipat na pala yung bagong may-ari ng bahay nila Kevin diyan." balita naman ni nanay sa akin habang patuloy pa rin siya sa pagluluto. Napaangat ako ng ulo at saka sinabing "Talaga nay? Kailan daw po?" tanong ko dito "Bukas na, tinignan kanina nung mag asawa kung natapos na ba yung mga pinapaayos nila diyan sa bahay. Nakakwentuhan ko kaya nabanggit na bukas na ang lipat nila." "Ahh, sana po ay ingatan nila yung bahay. At sana mabait nay." sabi ko naman dito "Mukha namang mabait yung mag asawa. Malalaman namin kapag tagal." saka ako nilingon ng nanay "Bilisan mo diyan, magbihis ka na. parating na ang Tatay mo, kakain na tayo" utos naman nito sa akin. "Opo nay" saka ako umakyat ng kwarto at nagpalit. Pag dating ko sa kwarto, kinuha ko agad ang cellphone ko saka minessage si Kevin. Me: Bahay na ko hon. Lilipat na pala bukas yung bagong may ari ng bahay niyo. Sa mga oras na to, panigurado ay tulog pa yun kaya naman agad akong nagbihis at bumaba na upang makakain. Sakto naman din at dumating na ang tatay kaya nakapag hapunan na rin kami ng mga oras na yun. Pagkakain ng hapunan at pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan, umakyat na rin ako sa taas upang magpahinga. Ilang araw na lamang mula ngayon ay umpisa na ng klase kaya naman sinasanay ko na ang sarili kong matulog ng maaga upang magising ng maaga. Kinabukasan, maaga akong gumising upang pumunta sa school para sa ID picture. Tinignan ko ang cellphone kung may chat ba si Kevin. Kevin: Hi hon, sorry di ako naka reply kanina. Tulog pa ako, tinanghali na rin ako ng gising sobrang pagod sa school. Ang daming pinapaasikaso sa amin. Message mo ako bukas pagka gising mo ah. Love you Chesca. I miss you Saka ko lamang ito nireplyan Me: Ok lang po, i understand. Malaki talaga ang time difference natin kaya ganito. Punta ako sa school ngayon, magpapa ID lang. Miss you too Kevin: Ok hon, ingat ka. Message ka lang ah. Me: Oh, gising ka pa pala. Kevin: Oo eh, research pa. Me: Ah, o sige di na kita aabalahin. Message ako mamaya. Bye. Love you Pagbaba ko sa kusina, nakahain na ang almusal saka ako kumain. Maya maya ay nagpalaam na ko sa mga magulang ko na aalis na muna ako papuntang school. Nang makarating sa school, nagkita kami ni Jenny saka sabay na pumila sa kuhanan ng ID. Nang may mamataan si Jenny at itinuro sa akin. "Bago ba yun friend? parang ngayon ko lang siya nakita" sabi nito. Tinignan ko naman ang gawi ng itinuturo niya. "Hindi ako sure friend eh, baka, tanong mo." saka isang ngisi ang ginawad ko naman dito kay Jenny "Ayoko, ang gwapo eh. Nakakahiya hehe tsaka tignan mo oh, ang daming nakapalibot sa kanyang mga babae." Muling sabi pa nito "Oo nga, sus, artista ba sya para pagkaguluhan?" pa ismid ko namang sagot. Nang makarating kami malapit sa pinto ng room kung saan ang kuhanan ng ID Picture, nagulat na lang ako ng biglang may bumungo sa likuran ko. Dahilan upang tumama ang isang balikat ko sa dingding ng kwarto. "Ouch" nakahawak kong daing sa bandang balikat ko na tumama. "Chesca ok ka lang ba?" pagaalalang tanong naman ni Jenny sa akin "Masakit friend, sino ba kasi yun . . ." "Sorry miss" napatigil ako sa pagsasalita ng mamukaan kung sino ang nakabunggo sa akin. "Sorry talaga miss. Let me see" agad naman nitong tinignan ang nabangga kong balikat. Inangat niya ang mangas ng tshirt na suot ko saka tinignan kung saan ang tama. "Oh s**t, I'm really sorry. Come, dadalin kita sa clinic" saka nito kinuha ang palapulsuhan ko at hinila ako paalis sa lugar. Nang bigla naman akong matauhan dahil sa tila kuryenteng dumaloy sa akin. Binawi kong agad ang kamay ko. "Wait, wait, ang haba ng ipinila ko dito tapos hihilahin mo lang ako paalis? Ok lang ako, minor bruises lang to." paangil kong sagot sa lalaki na kanina lang ay pinaguusapan namin ni Jenny. "I can help you with your ID. Let me take you to the clinic so you can get first aid" Sabi naman nito "No, i can manage and pls don't come near me okay?" inis ko namang sagot dito saka ko ito tinalikuran. "Ok, I'm so sorry again" saka ito umalis kasama ng iba nitong kasama. "Friend, ang taray mo naman kay Mr. Gwapo" ramdam ko naman ang kilig sa tono ng boses ni Jenny. "Ay naku, gwapo ka diyan. Ang yabang nga." ismid ko naman dito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD