Kevin Sumapit ang araw ng aking pagtatapos. Matapos ang ilang taong pinaghirapan ko sa kursong Bachelor of Medicine and Bachelor of Surgery sa wakas ay konting hakbang na lang at magiging isa na akong General Surgeon. Ngunit bukod sa aking pagtatapos, isa pa sa ikinagagalak ko ay ang nalalapit na paglabas ng rwsulta ng DNA test na ginawa namin ng anak ni Joy para makompirang hindi ako ang ama ng bata. Nang tumawag sa akin ang laboratory na nagsagawa ng test result, agad akong pumunta upang makuha ang resulta at ipamukha kay Joy na hindi ako ang ama ng anak niya. "Sir Kevin, here's the result of the DNA Test" inabot sa akin ang puting sobre na naglalaman ng resulta. "Thank you" agad ko itong binuksan. Dumako ang tingin ko sa test result 99.999% Probability of Paterny. Ako ang ama ng bat

