Nakatitig ako sa mukha ni Mardy na namumula na kakatawa. Sapo pa ng babae ang kanyang tiyan at napapa-upo pa sa sahig. “Pwede ba, tumayo ka diyan at ipaliwanag sa akin kung ano ang nangyayari? Para naman matawa din ako, hindi ‘yung sinolo mo lang ang kaligayahan habang ako dito, naguguluhan.” Sabi ko sa babae na tumatawa pa rin. Nakakadala ang hagalpak ng tawa nito kaya't natawa na din ako na naiiling. Kanina pa lang, napansin ko na may kakaiba na dito. Sa kinikilos nila ni lola Remedios. Pero binalewala ko dahil nga, puno naman ng CCTV ang bahay. Kapag may hindi sila magandang ginawa, makikita naman ‘yun sa cameras. Hanggang sa nasa loob na kami ng sasakyan, balisa ito at nanlalamig ang kamay na hawak ko. Nang makarating naman kami sa loob ng bakuran ng mga Gutierrez, nagulat a

