Habang kumakain ako sa isang restaurant, may babae na biglang naupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. Mukhang may humahabol dito, dahilan para hubarin nito ang kanyang suot na denim jacket at kabigin ang aking batok para halikan! Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa ginawa nito sa akin. Akala ko ay tapos na! Pero niyapos pa ako nito at tinago ang kanyang mukha sa aking kili-kili. Napansin ko naman ang pagdating ng tatlong lalaking medyo may edad na. Doon ko nakumpirma na itong babae nga ang hinahanap nila. Kaagad kong tinaas ang aking kamay para tawagin ang waiter. “Tawagin mo ang gwardya, ayaw kong may abala sa pagkain ko.” Tumingala ang babae sa akin at naluluha ang mga mata niya na nangungusap. Napangisi ako na nakaisip ng kalokohan. Hindi nagtagal at dumating an

