“Siguraduhin mo Villafuerte na hindi mapapahamak ang mag-iina mo.” Sagot sa akin ng matandang Hanson na parang palaisipan sa akin ang dating. Nagpaalam kasi ako sa kanya na kung maaari ay makasama ko si Love. “Hahaha! Anong tingin ‘yan Villafuerte? Pasalamat ka, wala kang record ng pagiging babaero. Kundi, hindi kita magugustuhan para sa anak ko. Kaya sige na nga, sasabihin ko ng dalawa ang nasa loob ng sinapupunan ni Love, kaya ko nasabi na mag-iina mo.” Parang naluluha ako sa kaba at sa saya. Kaba dahil baka mapahamak ko ang babaeng mahal ko at malagay sa alanganin ang mga anak namin. Saya dahil instant, dalawa agad ang nabuo namin. “Wag ko na kayang ituloy?.” Nagdadalawang isip na tanong mo sa matanda na nagtaas balikat lang. “Ako nga madalas awayin ni bunso, mukhang mabilis s

