“Para saan ‘to kuya?.” Tanong ki Kael sa akin. Kinukuhanan kasi kaming dalawa ng dugo. Mas accurate daw ang ganito na sample, sabi ng kaibigan ko na doktor. “DNA testing.” Tipid na sagot ko sa lalaki, hindi ito umimik pero parang nag-iisip na. “Hinahanap ko kasi ang kapatid ko na nawawala. Sabi ng daddy ko, Michael Tinamuran ang pangalan niya, nakilala lang niya ang babae sa bar. Hindi masyadong detalyado. Maging ako, bastardo lang din, dahil ang asawa ni daddy, walang kakayahan magkaroon ng anak. Tinakot niya noon si daddy na iiwan kami kapag nagkaroon pa daw ulit ng anak, kaya inabanduna ka. Kung ikaw man sakali ang kapatid ko.” Mahinahon na paliwanag ko kay Kael na tahimik lang ay hindi umiimik. Nag pasalamat ako sa doktor at lumapit ang aking kasambahay para ihatid ito sa labas.

