Michael Tinamuran? Kanina ko pa iniisip saan ko narinig ang pangalan na ‘yon. Pabalik na ako sa bahay ko dito sa Mambulao, iniisip ko pa rin ang napag-usapan namin ni daddy. Hanggang sa makarating ako sa bahay ay parang lutang pa rin ang aking pakiramdam. Parang napagod ako sa mga nangyari. Hindi ko akalain na may kapatid ako, hindi ko pala totoong mommy ang kinalakihan ko na ina. Nagulat pa ako na mukhang naghihirap na ang magulang ko. Ang daming revelation sa araw na ‘to. Nakakadrained ng energy. Dagdag pa ang problema ko kay Kael na nakipag-away daw. Binasag ang ilong ng nagtangkang nakawin ang kanyang relo na bigay ko. “Ohh! Holy sh*t! Fvck!” Mura ko ng maalala ko ang usapan namin dati ni Kael. Napatulala ako at halos naiiyak ako na parang nag flash sa memorya ko ang pagpapakila

