*Tok tok tok* Katok ko sa pintuan ng opisina ni tatay.Tinulak ko ang pintuan at nakita ko na seryoso itong nagbabasa ng mga papel. “Maupo ka anak, basahin mo ang mga papeles na ito. Latest price yan ng mga produkto natin, dahil mabenta tayo, at mura ang gasolina, medyo bumaba ang mga presyo, pero kapag tumaas sa mga susunod na tatlong buwan, medyo tataasan din natin ang presyo. Sa palagay mo, ano ang dapat dito?.” Inabot ko ang mga papel at binasa, within one or two months, tataas din ang presyo ng gas, magbabago din ang klema. “Mas mabuti tatay na taasan na natin ang presyo, sa tapat na halaga lang. Kasi, kung bababaan natin at biglang tataasan, baka isipin nila sinasamantala natin. Sa palagay ko, mas maganda isipin nila na sa una ay may discount, at sa mga susunod ay tapat na presy

