“Uncle, saan tayo pupunta?.” Tanong ni Ian sa akin. Ngayon kasi nagmamaneho na ako, pauwi na ako sa probinsya. Seryoso talaga si kuya Geo at ate Love na maging babysitter ako ng dalawa nila na anak. Ang galing din, sila gumawa pero ngayon, ako na ang mag-aalaga. “May kasama tayo sa probinsya.” “Babae na, Uncle?.” Sinamaan ko ng titig si Gab na nabitin pa sa ere ang pag apir nila ni Ian. “Wag na wag ninyong pakikialaman, pipilipitin ko ang mga leeg ninyo.” “Paktay! Chikabebe nga ni angkol.” Pasaway talaga ang dalawang ‘to. Kung sabagay, mga kabataan. Nag-explore talaga. “Diyan lang kayo, wag kayo magulo.” Saway ko sa dalawa ng makarating kami sa bahay nila Mardy. Bumaba ako ng aking sasakyan at nakapalimulsa na pumasok sa loob ng bukas na bahay. “Oh! Nandito ako, walang kidn

