I woke up to the annoying doorbell. Who the hell would visit me at this early morning? Tsk.
At parang wala pa itong planong tumigil kakapindot hanggang di siya mabuksan kaya padabog akong bumangon at tinungo ang pinto.
"Good morning, Lulu! I miss youuuuu!" bungad nitong sabi at dinamba ako ng yakap.
"Teka nga Hiro, ang bigat mo kaya! Alis nga!" pagtutulak ko sa kanya.
"5 minutes. Let's stay this way for 5 minutes. Please." I sighed and just let him. Hindi yan titigil sa pangungulit kung di ko papayagan.
Tahimik lang akong naghihintay na matapos ang limang minuto na sabi niya ng bigla siyang nagsalita.
"Don't you miss me, Lulu?"
"Why would I?" mapakla kong tanong pabalik.
Bigla niya akong hinawakan sa balikat at hinarap sa kanya. Nakabusangot na ito at parang iiyak na.
"You're so bad, Lulu. I won't give you the cat from last night. Bahala ka dyan." sabi nito at niyakap akong muli.
I love to tease him. Napakaiyakin. Niyakap ko ito pabalik na ikinahigpit rin ng yakap niya.
I miss this guy, my other half.
"I miss you too, Roro."
Matapos ang limang minuto ay sakto ring kumalam ang tiyan ni Hiro kaya sabay kaming natawa.
"Come in. Ilagay mo na lang sa fridge lahat ng dala mo at maupo. I'll cook for you."
Nakangiti itong sumunod sa akin sa kusina.
"I heard from Kuya Aden about why you're banished. You have done it!" he said laughing.
"Don't remind me about it. Boredom crept into my brain and made the most idiotic action there is. Tss."
I prepared a simple breakfast. Egg sandwiches with crispy bacon, and a glass of chilled deer blood.
We usually have animal blood since it's way faster to hunt. And human blood is kinda overrated, it tastes just like animal blood.
But there's something that bothers me. I wonder how Prime tastes like? They smell good so they might tastes even better, right?
I immediately shrugged off the thought and served the breakfast I made.
"Human School? That's messed up, Lulu." I slightly laughed at his remark then nodded my head.
"You must've pushed Papa's last button to send you to your worst nemesis." natatawa rin nitong sabi.
"If I know, Aden brought this idea up para mas pahirapan pa ako. Tss."
"You'll do good, Lulu. You have countless professional degrees on the end of your name. Ang bago lang dito, you'll be attending to a human school." napaisip ako sa sinabi nito.
Right. I've lived for too long that I managed to finish countless professional degrees, in Vampire University nga lang.
Natapos na rin lahat ni Hiro kung ano man ang natapos ko, classmate kami sa lahat eh. Ang kaibahan nga lang, he used it.
He worked for an animal shelter a few years after he finished Veterinary Medicine. Not long after, he built his clinic. And yan na ang pinagkakaabalahan niya ngayon.
As for me, wala. I never used it. I don't want to go to the human world so I remained in the mansion. Mag-aaral ulit ng panibagong kurso kung wala ng magawa o di kaya gumawa ng katarantaduhan, at yun, isa ang magpatakbo ng kotse sa loob ng mansyon at ibangga sa opisina ni Papa.
What would be the difference? Kailangan ko lang naman makapagtapos ulit ng isa pang kurso for the banishment to be lifted. It's not that hard... right?
"Hey, Lulu, when are you buying your things for school? I'm free tomorrow, samahan kita."
"I'm going today para the next day ay wala na akong aalahanin. Gusto kong magpahinga ng matagal bago magpakastress ulit sa school, lalo na sa mga tao."
Sakto namang natapos na kaming kumain kaya niligpit na namin lahat ng pinagkainan namin at dumiretso sa sala.
"I'm going na, I have a seminar to attend kasi today kaya I can't accompany you. I'm sorry, Lulu." sabi nito at niyakap ako.
"It's okay. Bakit kasi ni-career mo pagiging vet, wala na tuloy akong partner." pagdadrama ko.
"Lulu naman eh, wag mo nga akong i-guilt trip." nakapout nitong sabi. "And diba I asked for your opinion about this? You said that---,"
"You can so you help," we said in unison na ikinangiti lang namin.
"Okay okay, go na Hiro. Baka malate ka pa sa lakad mo."
Niyakap ako nitong muli. "Okay, I'll go ahead. Dito ako uuwi mamaya ha, sleepover ako."
"Yes, Hiro. Mag-ring ka lang pero wag yung nakakainis ha? Baka tuhugin kita at ibalandara sa labas." ngiting-ngiti kong sabi na ikinatawa niya.
Di nagtagal ay umalis na rin si Hiro kaya umakyat na ako sa kwarto at nagmadaling maligo.
I just slipped in in my comfy clothes. Faded jeans, a simple plain black shirt, and white converse shoes. I let my reddish-brown hair flow, unbrushed. I also wore a tea-colored frame shade to protect my eyes from the sun.
We no longer burn from the sunlight as long as umiinom lang kami ng dugo to recuperate our energy to live outside the sun. But our eyes can't stand too long exposed to it, we can still be blinded by the rays so we need shades to protect our eyes.
I made sure to brought my wallet, phone, and a pair of inpods. Mahirap na baka mamatay ako sa boredom, iba pa naman ang isip ko pagbored.
Bumaba na ako at sinigurong nakalock na lahat ang pwedeng ilock sa bahay bago lumabas. I made a beeline to the elevator, hoping to not a single human ang sasakay kasabay ko. And thankfully, there's none.
I got out of the building without making any contact with anyone. And the real s**t comes now.
Where will I go? Tss. No choice.
I dialed his number and buti naman at sinagot niya agad.
"Aden, paano ako makakapunta sa mall?" iritado kong tanong.
Narinig ko itong tumawa bago nagsalita. Kita mo tong damuhong na to, ang saya pa niya sa paghihirap ko. Tss.
"Magtanong ka daw dyan. Sabi ni Papa di daw kita tutulungan." pagpipigil tawa nitong sagot.
"Ewan ko sa inyo! Magsama kayo ni Papa!" agad ko itong binabaan ng tawag.
They're not serious, right? Me? Ask humans? Hell no! Maglalakad na lang ako kahit saan. Tss.
Shit! You're so stupid, Luxe! You can search it up on your phone, dumbass!
I quickly searched the nearest mall and the closest one is just 50 miles from here. With the sun at its peak and a dry humid, I think I can only walk that far.
I started walking pero hindi pa nga ako nakaka-limang minuto sa paglalakad ay may naririnig na ako.
"Oy pare, chix!" - Shithead 1
"Ganda ng balat oh, ang kinis!" - Shithead 2
"Sarap siguro niyan hawakan. Magmamarka pa kamay ko." - Shithead 3
They all maniacally laughed. Shitheads!
Hahayaan ko lang dapat ito ng tumayo ang isa sa kanila at naglakad papunta sa direksyon ko. Pero akmang hahawakan pa lang ako nito ay may sumigaw na at sinita sila.
Agad na nagsitakbuhan ang mga ito. Naiwan pa nga nung isa yung tsinelas niya eh sa sobrang pagmamadali. What a loser!
The man in his late sixty walked towards me with an apologetic look on his face. Why is he like this? He wasn't the one who did me wrong.
"Ayos ka lang ba iha? Ako na lang ang hihingi ng pasensya para sa mga taong yun." naguguluhan man ay tumango lang ako sa sinabi nito.
Mukha itong nagulat sa inasta ko at bilang napakamot sa ulo. What now?
"Ay forenjer pala to. Kaya pala di siya umimik kanina." bulong nito sa sarili na narinig ko naman.
Forenjer? Does he mean foreigner?
"Ah mam, u ok? wer u.. ah.. going? me.. ay.. i will... drive u der." mapakla itong natawa sa sinabi niya.
Gusto ko man din matawa pero pinigilan ko ang aking sarili. Chance na rin to para may masakyan ako papuntang mall.
Tumango lang ulit ako at pinakita sa kanya ang mall na gusto kong puntahan.
"Ah mam, dat is... ahm ano ba english ng malapit? Ay, ner. Dat is ner. Come. Dis way."
We made our way to his vehicle and my surprise, it's a tricycle. I haven't ridden one but I know how this works. Naturo sa amin to nung nagtake ako ng Mechanical Engineering.
Okay lang naman sa akin sumakay pero kasi, parang any minute now ay bibigay na yung sasakyan. Ang luma na at kinakalawang na rin ito. Safe pa ba to? Maglakad na lang kaya ulit ako?
"Hir mam. Kerpul insayd." alok nito kaya sumakay na lang ako. Di naman siguro ako mamamatay pag nadisgrasya kami dito no?
It took him five minutes para paandarin ang tricycle. Grabe.
Tahimik lang itong nagmamaneho at ako naman ay nagtitingin sa mga nadadaanan namin.
This city's nice. Your typical human neighborhood. Pero mas maganda nga lang talaga way back in our city.
"Sorry mam. Di na kasi ako namamasada gawa ng pagtanda ko kaya naluma na rin itong tricycle ko." bigla nitong kwento. Di man ako sumagot ay nakinig naman ako sa susunod niya pang sasabihin.
"Yung misis ko kasi ang nagbigay ng tricycle na ito sa akin, regalo niya sa ika-sampung taon namin na pagiging mag-asawa."
"Marami na rin itong natulungan at nagawa sa aking buhay mam. Naipagtapos ko ang anim ko na anak sa pamamagitan ng pamamasada ko sa tricycle na ito."
Nasundan ng katahimikan ang huli niyang sinabi. Akala ko nga ay tapos na siya sa pagkukwento pero may sinabi itong nakapagbago sa pananaw ko.
"Ika-anim na pong taong anibersaryo namin ng misis ko ngayon. Kaya ako lumabas ay para ipagdiwang ko ang espesyal na araw na ito. Mamamasada katulad ng dati na parang kasama ko lang siya sa tabi ko. Kasi mam, sa lahat ng mga natulungan ko, ang misis ko lang ang di nakatanggap." halata sa boses nito ang pagkawalay. Pero bakit?
"Nagkasakit siya, napakamahal ng sakit niya na kahit anong pasada ang gawin ko ay tila di ako makaipon para maipagamot siya. Kaya sa mismong araw rin na ito, isang taon lang ang lumipas matapos niyang iregalo sa akin ang tricycle na ito, binawi na siya ng Panginoon sa akin."
She died? s**t, that stings!
"Ay mam, nandito na po tayo!" bumalik ang sigla sa boses nito at masayang itinuro sa akin ang mall.
Agad akong bumaba at kinuha ang wallet ko.
"Mam no. Its pree." nakangiting sabi nito. "Plano ko kasing mamasada lang ngayon ng libre. Ayos lang po mam."
Binalik ko ulit ang pera sa wallet ko at may tinype na phone ko. Pinakita ko ito sa matandang nasa harapan ko.
"My neym po mam? Elmer Santiago po at ang pangalan naman ng pinakamagandang babae sa aking paningin na misis ko rin ay si Vivian Santiago."
He sounds so proud when he said that. I want something like this.
"Sige po mam. Baka naabala ko na kayo. Maraming salamat sa pakikinig sa kwento ko. Thank you!" tumalikod na ito at bago pa man ito makapagmaneho palayo ay tinawag ko ito.
"You're a great guy. You deserve the world. A blessing you shall receive before this day ends. I wish you everything." I said and walked my way inside the mall.
I looked up to stop the tears from falling. I ringed Aden's phone, he picked up.
"I told you, hindi daw kita pwedeng tulung---" I cut him off.
"Send our ultimate regards to Elmer Santiago before this day ends. He lives near my building."
Yeah, he deserves that. A human, Luxe approve after a long time.