ROWENNA SANDOVAL "Alright. I will let go of your hand in one condition. You need to have a deal with me." Sa pagkakataon na 'to ay nawala bigla ang mapaglarong ngiti sa labi ni Keith at biglang sumeryoso ang mukha niya. Lalo akong nakaramdam ng kaba habang nakatingin sa kanya, pero 'yong uri ng kaba ko ngayon ay parang may halong takot na dahil sa sobrang seryoso ng mukha niya. Hindi pa rin niya binibitiwan ang dalawang kamay ko at nakatitig lang siya ng diretso sa mga mata ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi niya kaya pinili kong tumahimik na lang muna at mag-isip ng malalim. Paano ko papayag sa sinasabi niyang deal— hindi ko nga alam kung anong bagay ang pagkakasunduan naming dalawa e. Katulad din ba sa deal naming dalawa noon ni Ronald? O may iba pang dahilan? Pa

