Kabanata 14 Sign SA SUMUNOD NA araw ay bumalik ang lahat sa normal maliban sa dalaga. Katulad dati ay nakakasalamuha pa rin niya ang mga kasama sa mansiyon at ang doktor pa rin ang tangi niyang nakakausap. Hindi na niya inabala ang sarili na isipin ang nga sinabi nito sa kaniya dahil naaalala niya lamang ang nangyari noong gabing iyon. Hindi na dapat niya maisip iyon ngunit kapag naaalala niya kung gaano kasakit ang naramdaman niya ay bumabalik sa kaniyang isipan ang lahat. Buntong-hininga na inilapag niya sa lababo ang tasa na ginamit sa pagkakape. Tinukod niya ang dalawang palad sa tayls at napatingin sa maliit na salamin na nakapatong sa debayder. Napapansin niya ang kaniyang pag-iiba. Ang mga pisngi niya na mas lalong na-depayn, ang paglalim ng kaniyang mga mata, at ang pagkinis

