Sa huli ay napili na lamang namin na pumunta sa isang karagatan kung saan naghahabulan ang dalawa sa may dalampasigan. Hindi ko na kayang dalhin pa sila sa isang mataong lugar kung puro sakit sa ulo ang ibinibigay sa akin ng anak kong ubod ng kapilyuhan. Buti nga ay unti lang ang nandirito at karamihan ay nasa cottage. Mainit pa kasi dahil magtatanghali na ngunit hindi iniinda ng dalawa ang araw. Buti na lamang at may tig-iisa kaming singsing na suot upang hindi masunog sa ilalim ng sikat na araw. "Mommy!" "Ye—" ganoon na lamang ang pagbundol ng kaba sa dibdib ko nang makitang nasa harapan ko na si Marcus na kanina ay nasa may kalayuan ang pwesto. Kaagad kong ginala ang tingin ko at nanlaki ang mata ko nang mapansin ang lalaking may hawak na kamera na pawang may kinukuhanan at ang masa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


