Kabanata 1

1600 Words
Kabanata 1 Meos NAABUTAN ni Meos ang mga kaibigan na nagpupulong sa sala ng bahay kinaumagahan. Nasa kalagitnaan pa siya pababa sa hagdan ay rinig na rinig na niya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Napailing siya at inalala ang nangyari kagabi.  Bakit nga ba siya pumayag sa kalokohan ng mga ito? Dare? At sa kasamaang palad ay siya pa ang unang natapatan ng masamang bote na ipinahamak siya. Kung hindi rin naman siya kalahating-tanga ay sana hindi siya nag-iisip sa kung anong posibleng bagay na ipapagawa sa kaniya ng mga kaibigan. Siguro ipapagawa ng mga ito sa kaniya ay ang simpleng pagkuha ng number ng crush niya. O, pwede rin naman na ayain niya ng date ang lalaking habol nang habol sa kaniya. Malapit na rin naman ang Puso Day kaya siguro konektado roon ang ipapagawa ng mga kaibigan niya. Pero, hindi rin. Dise-nueve na siya para roon.  "May naisip na ba kayong dare?" Tanong niya nang makalapit sa mga ito na kaniya-kaniyang upo sa sahig. Napatingin siya sa malawak na sofa na ni isa man lang sa kanila ay walang umuukupa. Buntong-hininga na umupo siya sa malawak na upuan. "So?"  Naunang magsalita si Heleria. "Wala pa pero, may list of possible dares na kami na pinagpipilian, 'di ba?" She said and looked at the three girls who nodded their head at Heleria.  "Anyway," simula ni Sari. Naka-indian sit ito sa sahig habang may chips na nakalagay sa maputi at mahaba nitong hita. "Alam niyo na na ang bagong balita na kumakalat ngayon sa village?" Tanong nito at ngumuya. Sabay-sabay tumango ang tatlo maliban sa kaniya.  Kunot ang noo na tiningnan siya ni Hiraya. "Hindi mo alam?"  Napairap siya. "Hindi ako tumango kaya, hindi."  Bigla naman tumayo ang isa sa kanila, si Demona na laging may nakapaskil na ngiti sa labi. "May kukuhanin lang ako," tinuro nito ang pintuan papunta sa kusina.  Tumango siya. "Sige, layas." Nang makaalis ito ay saka niya isa-isang tiningnan ang mga kaibigan na may kaniya-kaniyang mundo. Si Sari, ngumunguya ng chips. Si Hiraya at Heleria na ngayon ay nakatutok ang mga mata sa cellphone.  Tumaas ang kilay niya sa nasasaksihan. Ilang taon na nga ulit niyang kasama ang mga ito sa bahay? Isa? Dalawa? Hindi. Siyam na buwan pa pala. Sa loob ng siyam na buwan na iyon ay hindi na niya mabilang kung ilang beses na silang muntikan mapahamak dahil sa mga kalokohang taglay na nadadamay lang naman siya. Kapag tatanggi siya? Sasabihin ng mga ito na, 'Kill joy, Meos. Kill joy.' At dahil ayaw niyang patayin ang kasiyahan ng mga ito ay sumasama na siya. Hindi naman siya nagr-reklamo na dahil nakakaramdam din siya ng saya tuwing kasama ang mga ito.  "Mr. Darius Hale, may-ari 'yon ng mansion na nasa dulo ng village na 'to, 'di ba?" Napatingin siya kay Heleria. "Iyon 'yong kumakalat na balita ngayon sa village. Kakalibing pa raw niya kahapon," nagkibit-balikat ito. "Mukha namang hindi kapani-paniwala. Ni hindi nga nabalitaan kung nagpalamay ba ang pamilya nito," umiling-iling ito ngunit nasa cellphone pa rin naman ang atensiyon. "Kawawa. Hindi man lang naabutan ng pamilya ang huling hantungan nito." Sa ikalawang pagkakataon sa umagang ito, umirap siya. "Drama. Hindi mo naman kamag-anak ang namatay." Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. "Siyempre, ka-village natin 'yon. Hindi natin alam kung nabigyan ba ito ng desenteng libing o baka itinapon lang kung saan ang bangkay niya." "Heleria," rinig niyang saway ni Sari. "Tumahimik ka nga. Nananahimik ang patay at kung anu-ano pang teorya ang pumapasok sa isipan mo." "Duh, I was just telling you all what's on my mind." "Ano kaya nangyari sa kaniya, 'no?" Biglang sulpot ni Demona na may dalang tray. Inilapag nito ang hawak sa maliit na mesa na nasa gitna nila at kumuha ng tinapay. "Hindi siya kilala ng taga-Dark village. Ni hindi nga siya nagpapakita tuwing may meeting kahit siya ang may pinakamalaking may kontribusiyon sa pagpapanatili ng seguridad dito sa village." "Namatay na 'ata sa katandaan," hindi sinasadyang tumaas ang kilay niya sa sinabi ni Hiraya.  "Seriously..." bulalas niya. Kumuha ito ng tasang umuusok pa at sinulyapan siya. "What, Meos? Sinasabi ko lang din ang nasa utak ko." Tumango siya at kumuha na rin ng tinapay. "Yeah, keep doing that," aniya na tinutukoy ang kakayahan nitong ibahagi ang kung ano ang nasa isipan.  Hindi naman kasi lahat ay napagbigyan ng ganoong kakayahan.  Tumabi ng upo sa kaniya si Demona at ngumiti sa kanilang lahat. "Ano kaya itsura ni Darius Hale? Pangalan pa lang ulam na, ano pa kaya kung..." "Demona, anong palaman ang inilagay mo?" Putol ni Hiraya sa sinasabi ni Demona habang nakatingin sa mga tinapay na nakahain. "Butter? Nutella? Cheez Whiz?" "The latter," sagot ni Demona at ngumiti ulit. "Guwapo kaya siya? O kaya matandang hukluban na sanhi ng pagkamatay? Siguro bata pa? O kaya ay puwedeng maging sugar daddy!" Pumalakpak ito kapagkuwan ay nalungkot. "Kaso natigok na pala ang damuho." Napatampal siya sa kaniyang noo. She's not Demona for nothing after all. Mayamaya pa ay nagsalita si Sari. Ang alam niyang may matinong sasabihin sa lahat ng babaeng kasama niya ngayon.  "According to them, Mr. Darius Hale died because of his illness. Hindi na raw naagapan pa kaya biglaan ang pagkamatay nito at saka, hindi rin naman natin alam na mayroon siyang iniindang sakit kaya nakakagulat lang na malamang namatay na pala siya," she paused. "At hindi raw talaga nagkaroon ng lamay kasi gusto na kaagad ipalibing ng kamag-anak nito ang bangkay niya." "That fast? Anong araw ba siya namatay?" "Noong Lunes," sagot nito sa tanong niya.  "At miyerkules pa lang ngayon," napailing si Meos. Isang araw lang pala at inilibing na kaagad ito. Siguro ayaw makita ng pamilya ang labi nitong nakaratay sa mamahaling hugis kahon na higaan dahil masakit isipin na may nalagas sa angkan. "Pity," rinig niyang sambit ni Hiraya na ngayon ay nakikinig na sa kanilang usapan. "Walang nakakilala sa kaniya but the entire village send their own condolences." "Who wouldn't?" ani ni Heleria. "He contributed a lot to make this village safe. Sa lahat ng natirhan kong nayon, ito na 'ata ang pinaka-safe sa lahat. Dark Village, the name sounds weird but mysterious though. But if people outside this village got a chance to live here, they would probably stay here long for its security is tight." Nagkibit-balikat siya. "I don't even know how did I get here," sambit niya. "But I agree, that person contributed a lot. From the safety of the villagers up to its security. He even maintain the peace that other village does not have. And as far as I remember, wala pang nangyaring krimen dito sa loob." "And let's add the rules," this time, Hiraya stand up and face them. "That one rule who made us all extra introvert," nabahiran ng pagka-inis ang mukha nito. "Sinong matinong lider ang gagawa ng batas na 'yon? Bawal makipag-usap sa kapitbahay? Seriously. Hindi naman 'ata mangangain ang mga tao na nandirito, e." Sari on the other hand, shrugged her shoulder. "That rule is crazy," she uttered. "Ano kaya ang mangyayari ngayong patay na ang gumawa ng batas na 'yon? Would our neighbors knock on our door to introduce theirselves? Or, it's another way around," anito at kumain ng chips. Napaisip siya. Oo nga naman, ano kaya ang mangyayari now that the owner of that big mansion is dead? Would the villagers break it? Would they still want to follow that one rule? Siguro hindi, siguro oo. Kung hindi pa naman babaliin ang ganoong batas ay mananatili pa rin naman na estranghero ang lahat ng nakatira sa village. 'Yon ay kung may disiplina ang mga ito sa sarili at respeto sa batas na ipinatupad.  "But anyway," Sari stood up and face them. "Let's eat and discuss the dare after we get home from work or anything else that you all do in your everyday life," inilapag nito ang chips sa lamesa at tiningnan ang tray na wala ng laman. "Alam ko naman na hindi kayo kuntento sa bread and coffee na inihain ni Demona kanina." "Hell, yeah. So, let's eat!" Magiliw na sigaw ni Hiraya at naunang tumakbo papunta sa kusina na kaagad din namang sinundan ni Demona. Iiling-iling na sinundan niya ito ng tingin.  "Basta talaga pagkain," sambit niya at tumayo. Nilingon niya si Sari na ngayon ay seryosong nakatingin sa kaniya. "What?" "The dare..." "I know, I know. Mamaya na natin 'yan pag-usaan after I get home from work. Kakasabi mo lang, 'di ba?" Umirap siya. "Saka, alam ko naman na simpleng dare lang ang ipapagawa niyo so, no sweat ko 'yang magagawa ng malinis at successful," she smiled and look at Heleria who's now looking intently at her. "No worries, ladies. I won't back out." Napataas ang kilay ni Heleria. "Sure?" Meos nodded. "One-hundred percent sure." Heleria, then, looked at Sari unknowingly. "So, it's final. 'Yon na ang ipapagawa natin sa kaniya." Kumunot bigla ang noo niya nang ngumisi at tumango si Sari.  "Yeah, it's the first dare that I know, will change anyone's life." "Akala ko ba pag-iisipan niyo pa ang ipapagawa niyo sa akin? b***h, liar." Imbes na pansinin ay tumuon ang tingin nito kay Heleria na nakaupo pa rin. "Hindi ka ba tatayo riyan?" Napanguso ang huli. "Gusto ko pa umupo, e." "Girls! The food is ready!" Singit ni Demona na sumilip sa pintuan ng kusina. Siyang pagtayo naman ni Heleria at inilapag ang phone sa maliit na table at tumungo sa hapag-kainan.  Tiningnan ulit siya ni Sari. "Sumunod ka na kaagad," anito at umalis.  Nalilitong sinundan niya ng tingin ang palayong likod nito. Bigla ay nakaramdam siya ng kaba habang inaalala ang tinginan ng dalawang kaibigan kanina. And she's sure that what she feel right now is for the upcoming dare that her friends plan her to do.  Parang gusto na tuloy niya bawiin ang sinabing porsyento kanina. Pakiramdam niya ay nabawasan ang porsyento ng kasiguraduhan niyang hindi magb-back out.  Napabuga siya ng malakas na hangin at pumunta sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD