Kabanata 36 Danger SHE FELT SORRY. Hindi niya alam ang kaniyang ginawa. Wala siyang ideya kung bakit nawala siya sa kontrol. "Darius, I'm so sorry," umiiyak na paghingi niya ng paumanhin. Nakaupo siya sa sahig, basang-basa ang mukha at nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa kaniyang labi na may bakas na dugo. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya, hindi ko alam ang ginawa ko." Nakatingin lang sa kaniya ang huli. Hindi alintana ang pulang likido na umagos sa leeg nito. "Sorry, sorry..." ulit niya. "Nadala lang ako ng emosyon, hindi ko alam ang ginawa ko," hinawakan niya ang kamay ni Darius. "Darius, please..." Ngumiti ito sa kaniya ngunit hindi niya ramdam ang pagiging totoo roon. "It's okay," he whispered. "I'm okay, Meos." Umiling siya. "I'm sorry." "It's okay, really. Don't be s

