Nagmulat ng mata si Synj ng marinig na tumunog ang cellphone. Inabot niya ito mula sa bedside table para sagutin ang tawag kahit nakahiga pa at nakapikit.
"Hello. Dr. Synj Guevarra here." mamaos maos pa ang boses sa pagsagot.
"Good morning po Doc Synj. May emergency operation po. Kayo po ang inerekomenda ni Dr. Ralph to operate." sagot ng isang babae sa kabilang linya.
Nagmulat na siya ng mata at humikab. "Okay! I'll be there in an hour." huli niyang sagot bago pinatay ang tawag.
Nang mapatay ang tawag tinignan niya ang oras sa cellphone niya. 5:30 am palang. Bumangon na siya at nagpunta sa banyo para maligo.
Nang makatapos maligo nagbihis na at kinuha ang bag na may laman ng mga gamit niya para sa trabaho.
Tinungo niya muna ang kwarto ni Gaia upang makapagpaalam dito. Kumatok siya pero walang sumagot. Unti unti niyang binuksan ang pintuan. Nang mabuksan ay agad niyang tinignan ang kama ng dalaga ngunit wala na ito doon.
Mabilis siyang bumaba at hinanap ito. Nakahinga siya ng maayos ng maabutan itong nasa terasa kasama si Shady. Nakaupo ito sa upuan na nakatutok ang paningin sa malawak na lawa na kinapepwestuhan ng bulkang taal habang nagbubukang liwayway.
Napangiti siya kasi kalmado ito sa kinapepwestuhan. Nang biglang tumunog na naman ang cellphone niya na siya namang bumasag sa katahimikan. Nilingon siya ng dalaga na may ngiti sa labi at tumayo ito para lumapit sa sa kaniya.
"Wait lang!" sabi niya sa papalapit na dalaga at sinagot ang tawag.
"Hello! I'll be right over." maikli niyang sagot sa tumawag.
"Emergency?" tanong ng dalaga sa malamyos na boses.
"Yes." maikli niyang tugon at bumuntong hininga muna siya bago magsalita ulit kasi parang ayaw niyang iwan ang dalaga. "Sandali lang ako sa hospital. Would you like me to cook breakfast for you before I go?" masuyo niyang sabi at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha ng dalaga.
Umiling lang si Gaia. "Kaya ko na. Sige na kailangan ka na sa hospital." nakangiti pa din ito na nakatitig sa mga mata ni Synj.
"Okay. Ingat ka dito. Once matapos ako dun. Uuwi agad ako." habilin niya sa dalaga.
Lumapit ang dalaga at mabilis siyang dinampian ng halik sa labi. "Ingat ka!" malambing nitong sabi sa kaniya.
Hindi siya agad nakaimik dahil sa pagkakahalik sa kaniya ng dalaga. Mabilis man iyon pero iba ang naging epekto sa kanya.
Tinapik siya ni Gaia na siyang nakapagpabalik sa diwa niya.
Nagsensyas ng pagtataboy si Gaia na siya niya naman ikinatawa. "Bye!" tanging salita na lumabas lang sa bibig niya at umalis na sa harap ng dalaga.
Habang nakatalikod at naglakakad napangiti nalang si Synj at hinawakan ang labi.
Nakatanaw si Gaia sa papalayong binata. Napangiti siya at hinawakan ang labi. Bumalik siya sa kinauupuan at ramdam niya pa ang malambot na labi ni Synj habang nakatanaw sa langit.
***
Nakaidlip si Gaia nang matapos niya ang lahat ng mga dapat gawin sa loob ng bahay.
Napamulat bigla ang mga mata ni Gaia ng makarinig ng kalabog mula sa loob ng bahay. Dahan dahan siyang pumasok para makita kung ano iyon. Bawat kilos ay maingat. Nagtataka siya bakit hindi man lang tumahol si Shady.
Ang ingay ay nagmumula sa kusina. Nagtago muna siya sa may malaking hamba patungo sa kusina. Nang sumilip siya ay isang babaeng nakatalikod ang nakita niya. Mabilis siyang lumapit dito.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" magkasunod niyang tanong.
Nang humarap ang babaeng mukhang nasa early 20's nakabestida at kita agad sa mga mata nito ang pagkagulat.
"What the what?" tanging nasagot lang nito.
"Zen!" tawag ng isang baritonong boses mula sa likod ni Gaia.
Sabay na tinignan ng dalawang babae ang lalaking nagmemay-ari ng boses.
Agad na tumakbo ang babaeng nagngangalang Zen sa lalaki. "Synjieeee!" sabay masayang tumalon at yakap sa binata.
Natulala na lang si Gaia sa nakita. Nakaramdam siya ng konting kurot sa puso sa nasaksikan.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit di ka man lang nagpasabi na pupunta ka?" sunod sunod na tanong ni Synj sa babae na nakakapit pa din sa leeg niya at nakapulupot ang mga binti sa bewang niya.
Nilingon ni Synj si Gaia na tulala pa din na nakatingin sa kanila. Agad niyang binaklas ang pagkakayakap sa kaniya ni Zen. Agad naman kumalas ito sa pagkakayakap kay Synj.
Binulungan nito si Synj. "Magaling na si Gaia? Bakit parang di niya ako kilala?" pagtataka nito bago tumingin kay Gaia.
"May amnesia siya." maikli nitong sagot.
"Ahh!" sabay baling ni Zen kay Gaia. "Gaia!" nilapitan niya ito at bineso beso. "Long time no see. Since may amnesia ka. I am Zen!" masaya nitong pagpapakilaka. "Synj younger sister."
Nagliwanag ang mukha ni Gaia na parang nabunutan ng tinik ang dibdib. "Hi!" nakangiti nitong bati.
"There's that smile. You look jealous earlier. Kahit pala may amnesia selosa ka pa din." pabiro nitong sabi kay Gaia.
Nag-init ang pisngi ni Gaia at namula kaya yumuko siya lalo na nang mapansing nakatingin sa kaniya si Synj.
"Stop teasing Gaia, Zen!" pagsaway ni Synj at nilapitan ito para guluhin ang buhok. Tinignan ni Zen ng masama ang kuya niya at sinuntok ito sa may braso.
Hinaplos ni Synj ang braso na tila nasaktan sa pagkakasuntok ng kapatid. Nilapitan ni Zen si Gaia at pinulupot ang braso sa braso ng dalaga at iginiya papunta sa may counter ng kusina. Sumunod nalang si Synj sa dalawa at tumabi kay Gaia ng upuan.
Kumalas si Zen kay Gaia at hinarap ito. "So!" she paused. "Naalala mo pa kaya ang specialty mo?" tanong nito kay Gaia.
Nilingon ni Gaia si Synj na parang nagtatanong ang mga mata. Naunawaan na ni Synj na hindi nito alam ang tinutukoy ng kapatid at alam niya din sa sarili na imposible nitong malaman iyon kasi hindi naman talaga ito ang asawa niya
"Ako na ang magluluto Zen. Huwag mo ng kulitin si Gaia." pananaway ni Synj kay Zen na siya namang kinanguso nito na mukhang dissapointed.
"Ano ba ang specialty ko?" nahihiyang tanong ni Gaia na siya naman ikinabaling ng tingin ng magkapatid sa kaniya.
Mabilis na sumagot si Zen. "Calderetang baka with gata." magiliw nitong sabi.
Napa-isip si Gaia kung alam niya ba yun kaso alam niya sa sarili na prito lang ang kaya niyang gawin at mag-init ng tubig para sa instant noodles.
Kita ni Synj ang malalim na pag-iisip ng dalaga kaya tinapik niya ang balikat ni Gaia at tumayo na ito para siya na ang magluto.
Hindi na nagprotesta si Zen at hinayaan nalang ang kuya niya magluto.
Naging abala na si Synj sa pagluluto kaya nakipagkwentuhan na si Zen kay Gaia.
"Alam mo kala namin bibigay ka na nang ibalita ni kuya na nasa hospital ka. Kasi iyak siya ng iyak." kwento ni Zen habang nakaharap kay Gaia.
Tumikhim si Synj para sawayin ang kapatid. Ang alam lang kasi nito na nasa critical na kundisyon ang tunay na Gaia.
Ulila na si Gaia kaya si Synj nalang talaga ang pamilya nitong maituturing. Nang mamatay ang asawa saktong nadaanan niya ang isang aksidente na yun. Kung saan niya nakuha ang dalagang kapalit ng asawa niya.
Nakahandusay ito sa daan na halos wala ng buhay. Sunog ang mukha at may mga lapnos sa balat. Naitakbo niya ito agad sa hospital at nalapatan agad ng tamang medikal na atensyon at siya na din mismo ang nag opera sa blood clot nito sa ulo dahil sa pagkakabagok nito sa malaking bato na kinabanggaan ng motor nito.
"Kuya umuusok na ang kawali mo!" tawag pansin ni Zen kay Synj.
Tinignan ni Gaia si Synj kita niya na may kaba sa mga mata nito ng sinaway ang kapatid sa pagkekwento.
The truth shall set you free.