1 month later.
"Shady baby!" tawag ni Gaia sa aso habang nasa garden sila at nakikipaghabulan siya dito.
Masayang nakamasid lang si Synj at Ralph sa dalaga na nakikipaglaro sa aso habang nag-uusap naman sila.
"Ang saya saya niya lagi pag kasama si Shady." nakangiting sabi ni Synj kay Ralph habang nakatingin sa dalaga.
"Synj her dental test results tells us that she's just 18 to 20 years old. Di ba 26 na si Gaia?" may pag-aalala sa boses nito na kumuha ng pansin ng kaibigan.
Bumuntong hininga muna si Synj bago sumagot. "Oo. Wala naman nangyayari sa amin or may mangyayari. She's just a child man." nawala ang mga ngiti niya sa labi.
Pinageneral check up nila si Gaia bago ito ilabas sa hospital. Gusto nilang malaman ang totoong edad nito. Kaya pala para itong bata ay talagang bata pa ito. Not too young but not an adult either.
"Now she has the face of Gaia may attraction ba?" tanong ni Ralph.
Nilingon ulit ni Synj ang dalaga. "Actually I am inlove with the idea of her being Gaia. Pero pag naiisip ko na bata lang siya naiiwasan ang attraction. Pero her smile is hers and definitely that is not Gaia's." napatitig siya sa dalagang nagtatakbo pa din na nakikipaglaro sa aso.
Maya maya ng mapagod si Gaia ay nahiga siya sa bermuda at ganun din ang ginawa ng aso na tumabi sa kaniya. Tinanaw niya ang ulap para makapagrelax. Maya maya pa ay napapikit na siya.
"Sky!" narinig niyang tawag sa kaniya na biglang nakapagpabangon sa kaniya. Pamilyar ang pangalan yun agad ang naramdaman niya.
Nagulat si Synj nang makitang biglang bumangon ang dalaga sa pagkakahiga sa bermuda kaya napatakbo siya palapit dito. Sumunod din naman agad si Ralph sa kaibigan.
Pawisan ito at mukhang naguguluhan. Lumuhod siya sa tapat ng dalaga upang yakapin ito at inilayo niya ulit ang katawan para tignan ang mukha nito.
"What happened?" pag-aalalang tanong niya kay Gaia.
"May narinig akong tinawag na pangalang Sky." sabi niya habang kita sa mata ang pagkalito na nakatitig kay Synj. "Parang ako ang tinawag." dagdag pa nito.
Napatingin si Synj sa kaibigan na ngayon ay matiim nang nakatingin sa kanilang dalawa ni Gaia.
Inalalayan ni Synj na tumayo si Gaia.
"Masyado ka atang napagod sa pakikipaglaro kay Shady kaya ganyan ang nangyari sa iyo." masuyo nitong sabi sa dalaga.
"Baka nga." maikling sagot ni Gaia na malalim pa din ang paghinga.
Nagtungo na sila sa kusina para na din makainom na si Gaia ng tubig.
Pinaupo ni Synj si Gaia at agad na kumuha ng tubig at nagsalin sa baso. Iniabot niya ito agad sa dalaga.
Agad na inubos ni Gaia ang tubig. "Maliligo muna ako. Kailangan ko lang mapreskuhan." paalam niya sa magkaibigan.
"Okay. Magluluto na din ako para makakain ka na. Anong gusto mo?" tanong ni Synj.
Napangiti si Gaia. Mahilig siyang kumain kaya isa yun sa talagang nakakapagpagpangiti sa kaniya. "Sinigang po!" maikli niyang sagot.
Natigilan si Synj at si Ralph at nagkatinginan dahil para na naman itong bata na nagsalita. Para itong nakaalpas sa kasiyahan.
Nilingon na niya si Gaia bago nagsalita. "Okay Gaia. Go ahead. Maligo ka na." utos ni Synj na mabilis namang sinunod ng dalaga na nagskip skip sa paglalakad palayo sa kusina.
"Man she's really a kid." naiiling na sabi ni Ralph.
Napasapo sa noo si Synj na parang di maintindihan ang gustong gawin. Bagsak ang balikat niya na humarap sa kaibigan.
"Lagi siyang ganyan. Hindi na siya naging matapang. Parang may alaga akong bata. She's enjoying her life with me. I feel like sometimes I baby sit her." medyo natatawa na niyang sabi.
"Man are you planning to adopt her?" mapang-asar na sabi ni Ralph.
"Shut up!" tinignang niya ng masama si Ralph at kumuha na ng mga gagamitin sa pagluluto.
"Dito ka ba kakain?" tanong ni Synj sa kaibigan.
"Yep. Para matutulog na lang ako pag-uwi ko sa bahay." sagot nito habang nakatingin sa cellphone.
"Mag-asawa ka na nga para naman may tagaluto ka na." udyok ni Synj sa kaibigan.
"Hahanap din ba ako ng tulad niya?" nanunudyong tanong at ang tinutukoy ang Gaia na kasama nila.
Binatukan ni Synj si Raplh. "Ulol ka man. Find someone na aalagaan ka at hindi yung aalagaan mo."
Huli na ng napansin nilang nakabalik na pala si Gaia sa kusina. Nakakunot ang noo nito at masama ang tingin sa magkaibigan. Mabilis na tumalikod si Gaia paalis sa bungad ng kusina.
Agad namang nataranta si Synj at mabilis na hinabol ang dalaga. "Pakibantayan ang niluluto ko." utoa nito kay Ralph. Tumango nalang ito at hinayaan ang kaibigan na habulin ang dalaga.
Mabilis ang paglakad ni Gaia patungo sa pintong palabas ng bahay. "Nagsasawa na ata ang lalakeng yun sa pag-aalaga sa akin. Kaya ko naman ang sarili ko." gigil na gigil na bumubulong sa sarili ang dalaga.
Humahangos si Synj sa bilis ng paglalakad ng dalaga. Nang maabutan niya iyon ay hinawakan niya ito sa siko. Nang mahawakan niya ito ay mabilis siyang inatake at siya niyang ikinabagsak sa sahig.
Parehong gulat ang mga nasa mata ni Synj at Gaia. Agad na lumuhod si Gaia at hinaplos ang mukha ni Synj na nakahiga pa din sa sahig at kita ang pagkabigla sa mata.
"S-sorry!" hingi niya ng paumanhin sa binata.
Mabilis ang reflex niya na hindi niya din alam na kaya niya iyon gawin sa binata.
"H-how did you do that?" may pagkalito pa din sa boses ni Synj na nakatitig sa dalaga na haplos haplos pa din ang mukha niya.
"Di ko alam. Parang automatic nung maramdaman kong hinawakan mo ako." paliwanag niya kahit lito pa din.
Umupo na si Synj sa pagkakahiga. Hinawakan niya ang kamay ni Gaia na humahaplos sa mukha niya.
Hinalikan niya ang kamay ng dalaga. Naramdaman niya ang pagtigas ng kamay nito na hinalikan niya. Nang tinignan niya ito ay nakatulala ito aa kaniya.
"Ow! Sorry Gaia." paghingi niya ng paumanhin na tinitigan na din ang dalaga.
Habang nakatitig si Synj sa dalaga. Sa mukha ng asawa niya. Para siyang ibinalik sa mga panahong kasama pa niya ito. Sa pangungulila niya ay di niya na naisip na hindi ito ang asawa.
Unti unti niyang inilapit ang mukha sa dalaga na nakatitig pa din sa kaniya. Akmang hahalikan niya na ito.
"Synj luto na!" putol ni Ralph sa dalawa na malapit nang maglapat ang mga labi.
Parang napaso siya at napabitaw sa pagkakahawak sa dalaga. Mabilis silang tumayo at nagpagpag ng pang upo at inayos ang sarili.
Humarap sila kay Ralph na nakatalikod na at pabalik na sa may kusina.
Ramdam na ramdam ang pagkailang sa dalawa nang makaupo sila sa hapag. Naghain na si Ralph bagonpa sila tinawag.
Masama ang tingin ni Ralph sa kaibigan. Hindi niya nagustuhan ang nakitang eksena sa salas.
Nakita ni Synj ang masamang tingin na pinukol sa kaniya ng kaibigan. Kaya ramdam ang tensyon sa dalawa.
Tumikhim si Gaia bago nagsalita. "Masarap ang sinigang na baboy." papuri niya sa kinain na mukhang gustong gusyo niya.
"Buti naman nagustuhan mo." nakangiting sabi ni Synj.
Hindi pa din nawawala ang masamang tingin ni Ralph sa kaniya.
"Okay lang po ba na umakyat na ako?" paalam ni Gaia kasi ramdam niya ang init ng titig ni Ralph kay Synj.
"Go ahead Gaia. We need to talk privately." matigas ang boses ni Ralph na inutusan ang dalaga.
"Good night Gaia." pinilit pa din ni Synj na maging masaya ang boses sa paalam sa dalaga.
Ngumiti nalang si Gaia at tuluyan ng umalis sa kusina para pumunta sa silid niya.
Nang makapasok sa silid humiga na siya sa kama. Ipinatong ang braso sa noo. Iniisip niya bakit galit si Ralph.
"Ano problema ni Ralph?" bago ipinikit ang mga mata.
"What the hell Synj!" inis na singhal ni Ralph kay Synj. "Are you even thinking straight? You know how young she is and she's in a vulnerable state at the moment." huminga muna ulit ng malalim at nagtuloy sa panenermon. "Hindi siya si Gaia. Kita ko kung paano mo siya titigan kanina. Hindi para sa kaniya iyon." patuloy niya pa.
Parang napipi si Synj at nakayuko mula sa kinauupuan at nakikinig lang sa kaibigan.
Lumapit na ito sa kaibigan at inihampas ang palad sa lamesa. "Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko ha?!"
Nag-angat na ng ulo si Synj at may lungkot ang mga mata. "I know it was a stupid move. I just can't help it. She has Gaia's face and I miss her a lot." paliwanag niya sa malungkot na boses.
Nagbaba na ng boses si Ralph at naupo na sa tabi ng kaibigan. Ipinatong ang isang kamay sa balikat ng kaibigan. "Naiintindihan ko naman ang pangungulila mo. Pero parang sasamantalahin mo ang pagkakataon na wala man lang alam ang DALAGANG iyon." binigyan niya ng diin ang dalaga para isuksok sa utak ni Synj na ibang tao ang kasama.