Naupo na silang lahat sa hapag kainan.
"Wow daming pagkain ah." masayang pahayag ni Brite.
"Huy Brite wag masyadong pahalatang patay gutom ka." pang-aasar na sita ni Moon na siya namang ikinahaba ng nguso ni Brite.
Kanina pa nag-aasaran ang dalawa isama pa si Sky. Hindi maialis ni Synj ang mga matang nakatunghay sa pagkukulitan ng mga dalagang nasa harapan niya ngayon.
"Kain na tayo. Itigil nyo na ang asaran. Baka bawiin ni Synj ang pagpapakain sa atin. Tahimik na siya oh." natatawa at naiiling na saway ni Sky sa dalawang kaibigan sabay turo sa binata.
Ngayon niya lang nakita na ganun kasaya si Gaia simula ng maiuwi niya ito sa bahay. Natutuwa din siya kasi nakita niya ang personalidad mismo ng dalaga na kasama ang mga kaibigan at naturingan na talagang pamilyar ito sa mga taong kasama.
Tumigil sa pag-aasaran ang dalawa at tinignan si Synj na nakatunghay pa din sa kanila.
"Yeah. Kumain na tayo baka lumamig pa ang pagkain." nakangiting pagsang-ayon naman ni Synj kay Sky.
Magsisimula na sana kumain silang apat ng natigilan sila sa pagbati ng isang lalaki na kadarating lang.
"Man! Daming bisita ah!" masayang bati ng lalaking bagong dating. Lahat sila ay bumaling ng tingin sa bagong dating na lalaki.
Lumapit si Ralph na nakangiti sa mga tao sa hapag kainan at tinignan isa isa ang mga ito. Medyo nag-alangan siya ng makita na tila mga bata pa ang kasama nila Synj sa dining at mga nakaitim na damit ang mga ito.
Tinignan ni Ralph si Synj na medyo alangan ang ngiti na iginawad sa kaniya. Medyo naalarma siya sa nakitang itsura ng kaibigan. Tila may dumaang anghel dahil tumahimik ang silid kainan.
"Ralph mga kaibigan ko sila." pagbasag ni Sky sa katahimikan. "Si Brite!" tinuro ni Sky si Brite na siyang sumaludo habang nakangiti. "at si Moon!" tinuro naman si Moon na tila may nakakalokong ngiti.
"When did you get some new friends Gaia?" tanong ni Ralph bago pa ito kinamayan ang mga kaibigan ng dalaga.
"Sino si Gaia?" tanong ni Brite at kita sa mga mata nito ang pagkalito.
"Ralph just sit down and let's eat first, before we continue asking questions." seryosong sabi ni Synj at itinuro ang isang bakanteng upuan kung san pinaupo ang kaibigan.
Kinalabit ni Brite si Sky at nagtanong ulit. "Ikaw ba si Gaia?" naguguluhan pa din nitong tanong.
Tahimik silang kumain at talaga namang kitang kita sa mukha ni Moon at Brite ang pag-enjoy sa kinakain nila.
"Naku pihado pag andito sila Sly, Star at Cloud mag-eenjoy din sila sa sarap ng pagkain." masayang pahayag ni Brite na hindi maalis ang ngiti sa pagkain.
"Hoy Brite. Hindi nga tayo imbitado dito. Tapos naiisip mo pang isama ang mga yun. Mga sugapa din yun sa pagkain." paninita ni Moon kay Brite.
"Okay lang naman kay Synj." pag-agaw ng pansin ni Sky sa mga kaibigan. "Di ba Synj okay lang sa iyo?" tanong ni Gaia at tinignan pa ang binata na wala namang nagawa kundi ang tumango ng pagsang-ayon.
Hindi alam ni Synj na sa bawat sabihin ni Gaia parang nais niya nalang itong sang-ayunan para naman hindi ito mapahiya sa mga kaibigan na nakasalo nila sa pagkain.
"Ilang taon na kayo Brite at Moon?" hindi mapigilang tanong ni Ralph sa dalawang bisita na siya namang ikinatingin sa kaniya ni Synj.
"Parepareho po kaming tatlo na disisyete!" masayang sagot ni Brite bago ulit sumubo ng pagkain. "Magdidisiotso na kami ngayong taon." dagdag impormasyon pa ni Moon. Napangiti naman si Sky at bumaling naman si Ralph na may awa na tingin kay Synj na tila nagulat sa nalamang edad ng dalagang itinuturing niyang asawa.
Nais pa ni Ralph magtanong pero kita niya ang lungkot sa mga mata ng kaibigan.
Nang matapos ang pagkain ay tumayo na si Synj upang magligpit.
"Gaia ako na ang bahala dito. Dun muna kayo sa veranda at kumuha ka na din ng dessert sa fridge." utos ni Synj kay Gaia.
"Wow daming pagkain talaga dito." masayang saad ni Brite na nakangiti ding nakatingin si Moon na parang naghihintay din sa dessert na sinasabi ni Synj.
"Mauna na kayo sa veranda Brite, Moon!" utos ni Sky bago pa siya pumunta sa fridge at kumuha ng dessert.
Masaya namang sumunod ang dalawa at tinungo na ang veranda. Kita ang excitement sa mga ito.
Hindi maiwasan ni Ralph ang mapangiti at mapailing sa mga dalagita.
"Kayo Ralph at Synj sunod din kayo sa veranda mamaya. Magpapaliwanag ako." seryosong sabi ni Gaia sa dalawang binata.
Tumango si Synj at Ralph pagsang-ayon kay Gaia.
Habang nasa kusina si Synj at Ralph hindi na mapakali si Ralph kaya nagtanong na siya sa kaibigan.
"Nagabalik na ba ang alaala niya?" kuryusong tanong ni Ralph.
Hindi umimik si Synj kasi hindi niya din alam ang isasagot sa tanong ni Ralph gayung nagulat din siya nang makita ang mga kaibigan nito na kasama na nito mula sa kwarto nito.
"Man!?" tawag pansin muli ni Ralph kay Synj na tila malalim ang iniisip habang naghuhugas ng mga plato na siya namang pinupunasan ni Ralph pagkatapos banlawan ni Synj.
"Ha?" maikling tugon ni Synj kay Ralph.
"Wala na ba siyang amnesia? Normal na ba ulit ang memorya niya?" Ulit ni Ralph sa tanong na pinahaba pa na parang hindi alam ni Synj ang ibig sabihin sa mga tanong niya.
"Hindi ko din alam." tugon niya na may pagkalito pa din sa boses.
"Anong hindi mo alam?" inis na sabi ni Ralph kay Synj. "Hindi Gaia ang tawag ng mga yun kay Gaia kundi Sky. Ibig sabihin mga totoong kaibigan niya iyon na talagang nakakakilala sa kaniya." may diin na sabi ni Ralph na parang gustong ipaunawa sa kaibigan ang nangyayari ngayon.
Nagpunas na ng kamay si Synj at tumungo sa fridge upang kumuha ng beer at inabutan din si Ralph ng isa.
Umupo muna sila sa may counter table sa kusina at nagsimula ng inumin ang mga hawak nilang beer.
"Mukhang ok na siya at nakakaalala na siya." mahinahong sabi ni Synj.
"Paano napunta dito ang mga kaibigan niya? Ibig sabihin talagang hinanap siya. Sa tingin ko pa nga di ordinaryong mga dalaga ang mga kaibigan ni Gaia eh." mahabang sabi ni Ralph na siya namang ikinakunot ng noo ni Synj.
"Paanong hindi ordinaryo?" kuryuso niyang tanong at binalingan ang kaibigan.
"Huwag na kayong mag-isip ako na ang magpapaliwanag sa inyo." boses ni Gaia mula sa bungad ng kusina na siya namang ikinagulat ng dalawang binata at bumaling sa gawi nito.
Hindi lang si Gaia ang nandun kasama niya din si Brite at Moon na may mapaglarong ngisi pareho.
"Dito nyo ba gusto magkwento ako?" tanong ni Sky.
"Sa veranda na maganda ang tanawin dun. Dito boring mga pagmumukha nyo lang makikita namin ni Moon." makulit na sabi ni Brite na hinatak na si Sky patungo ng veranda kasunod na si Moon.
Tumayo na sila Ralph at Synj ngunit biglang tumigil si Brite. "Pwede pa ba makahingi ng cake?" pagpapacute nitong sabi para makahingi ulit ng cake.
Natawa naman ang lahat sa sinabi ni Brite.
"Kumuha ka nalang sa may fridge." nakangiting utos ni Synj kay Brite at itinuro pa ang fridge.
Masayang bumitaw si Brite kay Sky para puntahan ang fridge at ng mabuksan nito ang pakay ay tila nagnining ang mga mata nito ng makita ang cake. Walang sinayang na oras si Brite at kinuha ang cake. Hindi niya na ito hiniwa. Dala niya ang buong cake at naglakad na papuntang veranda.
Napailing nalang si Moon sa ginawa ni Brite. "Pagpasensyahan nyo na yang si Brite wala kasi kaming ganyan sa kampo." hinging paumanhin niya sa dalawang binata.