Chapter 3

1043 Words
Nagtalukbong ako ng kumot ng makarating ako sa k'warto ko, tinabon ang unan sa aking mukha at tumili ako rito ng pakalakas dahil sa mga sinabi ng twins na iyon. Gosh! Ito ba iyong kinikilig? Mararanasan ko na ba ang kiligin, ang maligawan at sambahin? Waaaah! Kinikilig ako. Pero, dalawa talaga sila? Dalawa silang magiging jowa ko kapag nangyari iyon. P'wedeng isa lang piliin? Ang weird kasi kapag dalawa ang jowa, baka sabihin nila two timer ako. Kasi kapag dalawa sila, baka hindi makaya, wala akong experience pagdating sa love thingy. Shit! Tapos baka malaki pa iyong ano nila. Basta iyong ano nila. Hays. Bumango ako at kinuha ang laptop sa desk ko. Binuksan ko ang f******k at sinearch ang Lazaro twins. Wow! Ang daming f******k nina Carlos Lazaro at Carl Lazaro halos fake accounts ang mga ito. So, sikat silang dalawa? Bakit 'di ko sila kilala? Tinignan ko kung online si Grace pero wala. Magkaiba kasi iyong oras namin sa kanila. Umaga rito gabi naman doon. Vice versa. Sinarado ko ulit ang laptop at tumingin sa kabilang bahay. Ang bahay ng Lazaro. Pumunta ako sa terasa, may katapat ang aking k'warto sa mismong room sa kabila. Kanino kayang room 'to, di ko maaninag dahil sa kapal ng kurtina, kulay itim pa. "Honey, Jewel, magmeryenda ka muna!" Napalingon ako sa pinto ng marinig ko ang boses ni mommy. "Bababa na, Mom! Magpapalit lang po ako." Pumunta ako sa drawer ko at kumuha ng pambahay na damit. Ternong spongebob. I love spongebob and also Doraemon. Yellow and blue is my favorite color, kaya nagustuhan ko sila. Nang makababa, naaamoy ko agad ang cupcakes na binake ni mommy. Umupo ako sa sala at nilipat ang tv sa Boomerang channel. "For my honey, cupcakes and double chocolate drink," nilapag ni mommy ang tray at kumuha agad ako ng strawberry cupcake. Sarap. Business namin ang pastry at maraming umoorder kay mommy. Nanonood kami ng may biglang nag-doorbell. "May inaasahan ka bang bisita, Honey?" Pagtatanong ni mommy sa akin pero umiling ako rito. "Wait, tignan ko lang kung sino iyon." Tumango na lang ako rito habang tutok pa rin sa Tom and Jerry. I'm 20 yrs of age but I love cartoons and anime than drama sa mga tv, na puro mistress and forbidden love ang topic. Nakakasawa. "Honey, Carlos and Carl is here," bungad sa akin ni mommy at kasunod niya ang nagpapagulo sa aking sistema. Ang Lazaro twins. Napatayo ako ng makita ko sila. "Nililigawan ka raw nilang dalawa?" Hindi ako nakasagot kay mommy. "Okay lang naman sa akin at sa Daddy mo. Bakit hindi mo agad sa amin sinabi?" Huh? Di ba siya nabigla? Two days palang kaming nagkakakilala rito pero nanliligaw agad sila sa akin? May mali talaga dito, e. Feeling ko kasabwat mga magulang ko sa nangyayari sa akin ngayon. "Sa kitchen muna ako at magluluto na ako for dinner. Carlos and Carl dito na kayo kumain. Late yata makakauwi parents niyo." Malakas na sabi ni mommy sa kambal. "Thank you po, tita." Sabay nilang sabi. Tumabi sila sa akin sa sofa nasa magkabilang gilid ko silang dalawa. Hindi ako makahingi at makagalaw para naging babasagin ako na anytime mababasag kapag gumalaw. Ginidgid nila akong dalawa sa mahabang sofa namin. "Ehem! Maluwag ho iyong sofa namin p'wede lumayo kayo ng konti." Sabi ko sa kanila pero parang wala silang narinig sa akin nakatutok lang sila sa TV kung sa'n naghahabulan sina Tom and Jerry. Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Carl, tinitigan ko siya nang masama. "Lilipat ako! Ang sikip-sikip dito ayaw niyong umusog." Angal ko sa kanilang dalawa pero parang wala pa rin silang naririnig sa akin. No choice kung hindi kunin ang square pillow at nilapag sa aking binti. Naka-indian seat kasi ako mas komportable ako sa ganitong upo. Natapos ang Tom and Jerry, ayan na ang spongebob. Paborito ko talaga si Spongebob, e. Nalilibang na ako sa pinapanood ko ng biglang sumandal si Carl sa aking kaliwang balikat. "Iyong ulo mo, Carl! Ang bigat." Ginagalaw ko ang aking balikat pero hindi siya nagpapatinag. Hays. Kakainis. "Pabayaan mo na si Carl, ibigsabihin niyan komportable na siya sayo, baby." Nanindig ang balahibo ko sa sinabi ni Carlos. Nagulat ako ng humiga siya sa lap ko. Oh gash! Baka makita kami ni mommy. Niyuyogyog ko siya, "umalis ka nga r'yan baka makita ka ni mommy. Uy, Carlos!" Tinakpan niya ang kanang tenga niya at bumalik ang mga mata sa TV. Ang titigas naman ng mga ulo nila. Ayaw makinig sa akin. Tumaas na ang mga balahibo ko ng maramdaman kong nasa binti ko ang kamay ni Carlos at nasa bewang ko ang kamay ni Carl. "Ano ba? Iyong mga kamay niyo! Ang huli kong naaalala nanliligaw palang kayo sa akin, so, alisin niyo mga kamay niyo!" Masama ko silang tinignan pero walang effect. Kainis! "Honey? Tulungan mo nga ako rito hindi ko kasi maabot." Sigaw ni mommy sa kitchen. Kung sinuswerte ka nga naman, bigla akong tumayo at pinuntahan si mommy sa kusina. "Kunin mo nga iyong toyo, hindi ko maabot. Natatakot akong tumayo sa upuan baka mahulog ako." Pumatong ako sa dinner chair at inabot ang toyo, nasa pinakadulo ito nailagay. Umupo ako at pinanood si mommy. "Balik ka na roon sa sala, nakakahiya sa kambal. Hala, sige!" Umungot ako kay mommy. "Dito na ako, mom, tapos na rin naman pinapanood ko." Saka para makaiwas ako roon sa dalawang manyakis. "Nakakahiya sa dalawa, honey. Sige na roon kana, okay lang ako rito." Pagpapalayas sa akin pero 'di ako tumayo. "Okay lang sila roon, mom. Feel at home nga silang dalawa. Dito na ako please!" Puppy eyes ko sa kanya para sumang-ayon siya. "May magagawa pa ba ako? Kapag natapos na 'tong niluluto ko, tawagin mo na ang kambal late rin uuwi ang daddy mo." Tumango ako sa sinabi niya. Ilang oras lang nandito na kaming lahat sa dinner table at tahimik na kumakain. Pero, ang tingin ng dalawa ay nakatingin sa akin para nila akong kakainin. Katakot. Nang matapos kumain, umuwi na rin sina Carl and Carlos sa kanila at ako ay nagkulong sa room ko. Masarap talaga magkulong. Gusto ko laging tahimik sa atmosphere para makapag-daydream sa mga crush kong artista. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD