Kabanata 2

2124 Words
Kabanata 2 Paunawa: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang konteksto, tema at lenggwahe na hindi angkop sa mga mambabasang edad 18-pababa. Read at your own risk. EVANGELINE NAGLALAKAD na ako sa aisle ng simbahan habang nakatanaw sa akin ang aking asawa mula sa altar. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sapagkat ngayon ay makakaisang dibdib ko na ang lalaking pinangarap at minamahal ko, si Sergio. Naluluha siya nang malapit na ako sa kanya. Nakahawak kamay sa akin si daddy at si mommy habang hinahatid ako at ngayon ay malapit na nilang i-abot sa mapapangasawa ko ang aking kamay. I am twenty three and he is thirty eight, he is fifteen years older than I. Pero hindi hadlang ang age gap naming dalawa upang hindi kami maging masaya kami. Sergio loves me and he pursued me kahit na ilang beses ko nang sinabi na hindi ako pumapatol sa halos kalahati ng edad ko. But because I saw his dedication and his courage to pursue me, unti-unting nahulog ang damdamin ko sa kanya. With his chiseled jaw, piercing brown eyes, and muscular physique, Sergio is exactly the kind of guy they're talking about when they say "tall, dark, and handsome." Hot daddy kung baga. Kaya naman hindi rin talaga ako nahirapang mahalin siya at magkagusto sa kanya. Maganda rin ang kanyang pangangatawan kahit na malapit na siyang mag-40. He is perfectly fit and healthy. Mayroong ilang beses na nakita ko siyang naka-topless and damn, his body kills, parang hindi pinapabayaan sa exercise and proper diet. Now, I am almost there and I can see the happiness in his eyes. He is totally and absolutely gorgeous and handsome in his suit and kahit sa malayo ay masasabi kong sobrang gwapo ng mapapangasawa ko. "This is it, honey," bulong ni daddy sa akin nang malapit na kami. "Dad, thank you for everything." Saka ako sumandal sa kanyang balikat. "Anak, we are happy for you," nakangiting wika ni mommy. And then finally, we are just five steps away from him na nag-aabang sa akin. Lumapit siya at nagmano sa aking mga magulang, and then after that, yumakap ako kay mommy and daddy bilang huling pagkakataon ng aking pagiging dalaga. "Anak, we love you." Hinimas pa ni mommy ang likuran ko habang yakap niya ako. "I love you mommy." Tinapik naman ni daddy ang likuran ko at saka ako sumunod na yumakap sa kanya. "Ikakasal na ang anak ko," emosyonal na wika ni daddy. Naiyak naman ako ng kaunti dahil baka masira ang make up ko kapag sobra. Kaya't nang magkagayo'y kumalas ako ng yakap at saka ako kumapit sa kamay ng aking mapapangasawa. "Are you ready?" he smiled. "Yes, daddy." Ito ang tawag ko sa kanya dahil bukod sa fifteen years ang gap naming dalawa ay mas gusto kong naicoconsider na baby. So, from the moment na niligawan niya ako, I have this desire to have someone older than me. Iyon bang mas mature sa akin, iyon bang kaya akong itama sa mali at ipagtanggol sa lahat. He is perfectly fit sa aking ideal man, old but gorgeously hot. Hindi naman halata iyon sa kanyang mukha at sa kanyang pangangatawan. Kaya naman aakalain lang na 31 or 32 siya but he is near 40. Parehas kaming humarap sa altar at ngayon ay susumpa kaming dalawa sa harapan ng Dios at sa harapan ng aming mga magulang at mga kaibigan. ACIGA RESORT RECEPTION AREA "PARANG mayroon kang malalim na iniisip," sita ko sa kanya habang katabi ko siya sa harapan kung saan naka-set up ang dalawang upuan para sa aming dalawa. "I am just a bit tired, but I am okay, babe." Ngumiti siya at saka siya umakbay sa akin. He is now wearing a white long sleeves shirt tucked in a black slacks paired with shiny leather shoes. Ako naman ay naka-dress na lang ngayon upang maging komportable ako sa aking sarili. Everyone is busy taking with us, our friends are giving their wedding gifts one by one, and other family members are sitting and waiting for the main program. "Hello sweetie, I am so happy for you." Lumapit sa amin si Sonia, ang aking pinsan. Mula nang magtungo siya sa syudad ay ngayon ko lang siya ulit nakita. Napakatagal na nang huli ko siyang nakita and through my wedding ay muli ko siyang nasilayan. Malaki ang pinagbago niya at para bang naging mas mature at mas expressive siya sa kanyang pagdadala. Medyo insecured lang ako sa kanyang hinaharap na para bang sadya niyang ipinapakita sa asawa ko. Pinisil ko ang kamay ni Sergio na nasa ilalim dahil sa view kaya't umiwas siya. "Thank you, Sonia. I hope you enjoy your stay here, matagal kitang hindi nakita. It's nice to see you back, how have you been? Malaki ang nagbago sa'yo." Tumayo ako upang bumeso sa kanya. "Nothing changed, it's just that I became sexier, right?" Kumindat siya sa akin at saka ipinakita sa akin ang kurba ng kanyang katawan sa suot niyang medyo revealing na red dress. Napalunok ako dahil katabi ko si Sergio. I have trust sa aking asawa at alam kong hindi siya basta basta maaakit sa mga ganitong bagay. "I see. Congrats sa body achievement mo, caz." Kunwari ay masaya ako sa kanyang pinapakita sa akin pero sa totoo lang ay iritado ako sa kanya. Nakikita ko ang pamamawis ng noo ng asawa ko at hindi ko alam kung bakit siya ganito ngayon. "Hi hottie!" Bati ni Sonia sa asawa ko. Biglang natulala si Sergio sa tawag sa kanya ni Sonia. Hottie? Bakit ganoon niya tawagin si Sergio? "Magkakilala na kayo, personally?" nagtataka kong tanong. "Ah...no!" Nakangiting wika ni Sonia. "No," saad naman ni Sergio. "So, why the hottie thing?" I asked. "Wala, your husband looked so gorgeously hot, perfect sa'yo sis," wika pa ni Sonia na parang mayroong tinatagong pagnanasa. Malagkit ang tingin niya kay Sergio at hindi ko iyon gusto. "Excuse me ladies, I just need to go to the comfort room," paalam ni Sergio. I agreed and hinatid ko siya ng tingin. Nauna akong pumihit ng paningin at nakita kong kagat labing nakatingin si Sonia sa pwet ng asawa ko habang papalayo ito. Harap-harapan niyang inaakit si Sergio and if not because of our occasion ay baka napagsabihan ko siya. Hindi rin naman kasi ako palengkera at basta basta na lang nakikipag-away sa kung sino sino. I have breeding and I am not that kind of woman na makikipagsabunutan just because of that petty thing. Mayroon pa akong pasensya, pero huwag niya akong sasagarin because I can let the guards drag her out of this place right now. "Anyway, Sonia, thanks for coming. I appreciate your presence, a lot." "Tunog pinapaalis mo na ako sis. Hindi pa nagsisimula ang post wedding program mo," tumaas ang isang kilay niya. "No, baka kasi hindi na kita maasikaso mamaya." "Okay, anyway, best wishes, stay strong and enjoy the rest of the night with you loving husband." Kumindat siya at saka kumaway bago umalis sa harapan ko. Kumuyom ang aking mga kamay sa pagpipigil ko ng aking galit at pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil sa mga kaganapan just now. I can't deny me affected ako sa pagiging flirty ni Sonia. Ever since ay ganoon siya, she's known to be that kind of woman na kung kani-kanino na lang nakikipagrelasyon. Even sa mayroong asawa ay nakikipagrelasyon siya, so the thing is, my husband is not an excuse. I may be her cousin pero Sonia is Sonia, ang gusto niya ay gagawin niya, even her mother can't force her to stop. Pero dahil araw at okasyon ko ngayon, hindi ko hinayaan na lamunin ako ng inis at galit sa pinsan kong iyon. I won't allow na masisira ang gabing ito para lang sa isang bagay na hindi dapat pagtuunan ng pansin. SERGIO PANAY ang pagpalatak ko sa aking kinauupuan kanina nang lumapit si Sonia sa amin. Kilala ko siya at alam kong kilala niya ako. Dalawang beses ko na siyang nakasama sa set at sa trabaho kaya naman nasisiguro ko talagang hindi niya ako makakalimutan. Maliit lang ang industriya namin kaya't imposible na hindi namin makikilala ang isa't isa. Kaya naman nang makita ko siya sa araw ng kasal ko ay kinabahan ako. Iba ang pakiramdam ko at iba rin ang nasa isip ko. Sadya ngang napaka-liit ng mundo. I haven't told Eva about everything yet. I am still contracted with two different adult companies and I can't just commit breach of contract with them. They have paid me more than enough to perform and some of the money that they have given as payment ay nagamit na sa kasal. I am earning much from this job and I can say that over the years, kinasanayan ko na ang trabaho ko. Nasa reception kami ng kasal at wala akong ibang nais kundi ang matapos na ang gabi na ito so that masolo ko na ang aking asawa. Not only that, gusto ko na ring maiwasan si Sonia na siyang tinik sa aking dibdib sa mga oras na ito. Kaya naman nang lumapit siya sa amin ay ganoon na lang ang pamamawis ko sa kaba. So, mas minabuti ko na lang na iwanan sila at mapag-isa. I went to the comfort room and stayed there for a moment. I looked at myself on the mirror and I reflected to what has been going since then. "Eva will never forgive me if she'll know about this. Damn." Naihilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha saka ko sinabunutan ang aking sarili before I looked into the mirror. I love that woman, so much, at ayaw kong masira ang lahat ng aming nasimulan. So, now, naguguluhan ako sa mga bagay na dapat kong gawin. Suddenly, a phone call caught my attention. Kaagad kong dinukot ang cellphone ko sa aking bulsa and then I immediately answered it when I saw who's calling me. Boss Jack calling... "Hello Jack," bati ko. "Yes, hello Damon, how's the wedding?" "It's over and I am still here for our post-wedding program." "Okay, good to hear. Tumawag ako because of a project and a scene tomorrow night. I hope that you can come," aniya. Napalunok ako and thought about it for a moment. Katatapos lang ng kasal ko and here is another project again. I am sure, magtataka si Eva kung agad akong aalis. I am sure, she'll be so suspicious kung sasabihin kong sa aking business ako pupunta. "Wala na bang iba? I still can't promise to come right after our wedding." "The company chose you to be the performer. Besides, malaki rin ang bayad nito compared sa nakaraan." Napaisip ako sa sinabi niya. "Saan ba ang venue and how much time is allotted for the scene?" "The venue is in Hotel Roma and it's a one-four scene. You'll have to be ready because there will be four female performers in this one. It's a win-win Damon, grab it!" "And the time?" "It depends sa kung gaano kabilis at kung gaano kayo ka-intimate sa mga eksena. Usually, it will last until 40 to 50 minutes." "Okay, deal. I'll be there tomorrow afternoon then." "That's my boy. Okay, I'll call you again later." Nang matapos na kaming magtawagan ay lalabas na sana ako sa CR nang pumasok ang isang hindi ko aakalaing nandito. Sonia locked the door and then stood there while looking at me. "Hello, Damon. It's been a long time since we had that sweaty scene. Naalala mo pa ba?" mapang-akit niyang wika. "Hey, are you here to ruin my wedding or do you have something in mind to let my wife know about my job?" "I just want you now, hottie." Bigla siyang lumapit at walang pasabing dinakot ang pagitan ng aking mga hita. Hindi na ako nagulat dahil maraming beses na akong nakaranas nito but because I am calm ay hindi ako nag-react. She tried to open the zipper of my slacks so hinawakan ko ang kanyang kamay. "That hurts," reklamo niya. "Stop this, Sonia. Stop!" mahina kong wika. "I won't stop Damon, I want you." "Well, f*ck you for being such a bitch." "Okay, then, f*ck me." "Never." "Huwag kang magsalita ng patapos. Baka makita mo ako ulit bukas." Saka siya nagtanim ng halik sa leeg ko and then lumabas na rin ng comfort room. Natulala ako at walang kibong tumingin sa salamin. Bumakat ang kanyang mapupulang labi sa aking leeg at dahil sa kanyang gamit na lipstick ay nahirapan akong tanggalin iyon. Agad kong hinugasan iyon at mas nagmadali ako nang makita kong pumasok si Eva mula sa pintuan. "Daddy, bakit ang tagal mo?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya dahil naunahan na ako ng kaba. Pagtatapos ng ika-2 na Kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD