Kinabukasan, naging abala na nga si Flora sa kaniyang pag-o-online selling. Habang si Clinton naman, panay ang silip sa pinto ng bahay ni Flora. Tinitingnan niya kung lalabas ba ito o hindi. Hapon na kasi pero hindi pa rin lumalabas ng kaniyang bahay si Flora. Paano ba naman, nawili ito na mag-live at mag-promote ng mga sample product sa kaniyang TikTik account. Malaki ang kinikita niya bilang affiliate. "Bakit hindi pa siya lumalabas ng bahay niya? Ano kaya ang ginagawa niya?" bulong ni Clinton sa sarili. Tumigil siya sa pag-aayos ng sasakyan dahil panay silip na naman siya sa bahay ni Flora. Hindi niya napansin nakatingin pala sa kanya si aling Pacing at nilapitan siya nito. "Hoy, manong Clinton! Bakit panay ang silip mo ko sa bahay ni Flora? Hinahanap mo ba siya?" tanong ni aling P

