Pagod na pagod si Flora nang umahon siya sa tubig. Todo ang paglangoy niya dahil mamaya, uuwi na sila. Habang si Clinton naman, napangiti na lang habang nakatingin kay Flora. Hinihingal-hingal pa nga ito kaya siya natawa. "Bakit natatawa ka diyan, manong? Tinatawanan mo ba ako dahil hinihingal ako sa pagod?" mataray na sabi ni Flora. Muling tumawa si Clinton bago humawak sa kaniyang batok. "Bakit naman kasi nagpakapagod ka ng husto. Parang wala ka ng balak na umahon sa tubig eh. Tingnan mo ang itsura mo, nangingitim ka na. Hindi ka pa yata naglagay ng sunblock." Pumiksi si Flora sabay tingin sa kaniyang balat. Bahagya ngang nangitim siya dahil hindi talaga siya umahon sa tubig. Sinusulit niya ang bawat oras. "Hayaan mo na iyan. Babalik din kaagad ang puti ko dahil natural ko namang kul

