17

1217 Words

"Shít..." Masakit ang ulo ni Clinton nang siya ay magising. Nagulat siya nang matagpuan ang sariling nakatulog sa sofa. Sa bahay ni Flora. Nanlaki ang mga mata niya at inalala ang mga nangyari kagabi ngunit wala na siyang maalala masyado. At iyon ang ikinaiinis ni Clinton. Nagiging mahina na ang kaniyang memorya. 'Bakit nandito ako sa bahay niya? Bakit dito ako natulog?' Dahan-dahang tumayo si Clinton ngunit masakit talaga ang ulo niya. Napaupo na lang ulit siya at saka hinilot ang kaniyang sintido. Bumuntong hininga siya at saka inalala ang huling nangyari. Ngunit bigo siya. Kaya naman ipinikit na lamang niya ang kaniyang mata. "Kanina ka pa gising?" Iminulat niya kaagad ang kaniyang mata at saka tumingin kay Flora. Napalunok siya ng laway dahil maikling pantulog na short ang suot ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD