"Ayos ka lang ba dito?" tanong ni Clinton kay Flora. Hindi nagsalita si Flora. Kasalukuyan siyang nasa kaniya ng silid at nagpapahinga. Nakatingin lang siya bintana. Masakit na ang kaniyang mga mata kaiiyak at pakiramdam niya, wala na siyang mailuluha pa. Naubos na ang mga luha niya dahil kanina lang siya tumigil sa pag-iyak. Narinig niya ang paghinga ng malalim ni Clinton. "May gusto ka bang ipagawa sa akin bago ako bumalik sa bahay? Nandiyan na sa mesa mo iyong mga gamot mong iinumin. Inihanda ko rin iyong mga biscuit mo kung sakaling magutom ka mamayang hatinggabi." Dahan-dahang iginalaw ni Flora ang kaniyang katawan upang makita si Clinton. Nakatayo ito sa kaniyang harapan at nagtama ang kanilang paningin. Napangiti ng tipid si Flora. 'Siguro... napakabuting asawa ni manong. Kung i

