Nanghina na sila sa pagpapahanap kay Elaiza at tuloyang tumigil na. Nawalan na ng pag-asa pa si Ricardo na mahanap ang asawa. Sa loob ba naman ng dalawang taon ay di ito nahanap ng mga police at ang mga taong inutusan nila ng kanyang ama. Masakit man pati sa pamilya nito ang pagkawala nito ay pilit nilang tanggapin. Duda niyang napahamak talaga ito nang ito'y umalis sa bahay ng tiyahin nito ng umagang iyon. Kawawa naman ang asawa niya kung nasaan man ito nilagay ngayon ng panginoon. Si Melanie naman ay patuloy na kinukulit siya nito ngunit tuloyan nang nawala ang pagmamahal niya rito. Bigla nalang nawala ng tuloyan ang pagmamahal niya kay Melanie na parang sumabay naman sa pagkawala ni Elaiza. Wala talagang magandang maidudulot ang pagkakaroon ng babae. Kaya sa isip ni Ricardo kung m

